SHEBEN

Sheben E. Alcantara
Grade 12- STEM 3
Journal Bilang 1
Nobyembre 17, 2017

Bakit mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng pagsulat partikular ng akademikong sulatin?


Akademikong sulatin, Magagamit natin!

          Ayon sa nakaraang talakayan, ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na batayan upang makapagbigay ng tamang impormasyon kung saan ito ang kanyang pangunahing layunin. Dagdag pa rito, ito'y nangangailangan ng mataas na antas ng kaalaman sapagkat ang paggawa nito ay binubuo ng mga pormal na salita.
          Ang pagiging maalam sa pagbuo ng isang akademikong sulatin ay lubos na magagamit lalo na't sa mga estudyanteng tulad namin.Nakakatulong din ito upang mas mapadali ang paggawa ng mga proyektong papel tulad ng pananaliksik. Kung wala kang kaalaman sa pagbuo nito, ito ay isang mahirap na proseso lalo na sa paggawa nito. Kung kaya't ang bawat paaralan mula elementarya hanggang sa kolehiyo, sinasanay na ang mga isip at galing ng mga estudyante bago nito makuha ang tamang pagsasaayos ng akademikong sulatin.
          Sa pagtatapos, ang akademikong pagsulat ay higit na makakatulong at nakatulong sa atin sa paggawa ng mga proyektong sulatin sa paaralan. Ito din ay magagamit natin sa ating kinabukasan lalo na kung ikaw ay magiging awtor ng sarili mong mga akda.


Nobyembre 27, 2017

Sulatin Bilang 1

Abstrak

Pamagat ng Paksa: Internship: Kwentong Loob ng Tagalabas
Mananaliksik: Graziel Ann Ruth Latiza
Institusyon: Unibersidad ng Pilipinas
Mahahalagang Impormasyon ng Pag-aaral:
          Ayon sa nailathalang abstrak, ipinagkumpara ng awtor ang kanyang propesyon sa panggagamot sa mga doktor na nagtatraho sa ospital. Inilapat din ng awtor ang kanyang kaalaman upang makita at matakda ang limitasyon ng kanyang sinasaliksik. 
Kahalagahan ng Pag-aaral:
          Ayon sa mga nakasaad sa abstrak na ito, makikita ang mga nagaganap sa loob ng trabaho ng mga doktor at kung papaano sila magtrabaho.


Pagkakaiba ng Dalawang Abstrak na Nagmula sa Libro at sa Pangkat na Nag-ulat

          Ang unang abstrak na nasa libro ay patungkol sa pagkukumpara ng kaalaman ng awtor sa panggagamot na pinamagatang "Internship: Kwentong Loob ng Tagalabas" samantala ang isang abstrak na inilaan ng mga nag-ulat ay patungkol sa pagpapatupad ng K to 12 na pinamagatang, 'Nasyunalistang Pagsipat sa Programang K to 12 Mga Isyu, Implikasyon at Alternatibo.' Base sa aking nabasa nagkaiba ang dalawa sa estilo ng paggawa at paglalahad ng impormaryon. Makikita din na ang bawat isa ay may nabibilangang mga uri, ang deskriptibong abstrak at impormatibong abstrak. Ang naunang abstrak na mula sa aklat ay napapabilang sa impormatibo samantala ang isa nama'y deskriptibong abstrak. Parehas naman silang naiintindihan ngunit mas pabor ako sa abstrak tungkol sa K to 12 dahil direktang nailahad ang mga impormasyon kaysa sa una.


Disyembre 5, 2017

Sulatin Blg. 2

Pangalan: Sheben E. Alcantara
Kapanganakan: Setyembre 18, 1999           Edad: 18 taong gulang          Kasarian: Babae
Magulang:
   Ina: Arlene E. Alcantara
   Ama: Cloderio E. Alcantara Jr.
Tirahan: Blk 19 Lot 18 Ph 5 Carissa Homes Bagtas, Tanza, Cavite
Antas ng Edukasyon sa kasalukuyan: Grade 12- STEM 3, Saint Augustine School-SHS Tanza
Mga asignaturang kinawiwilihan: Physics, General Mathematics, Arts
Mga kinahihiligang gawain: Gumuhit base sa larawan, gumawa ng mga iba't ibang "artworks"
Mga natatanging kasanayan: Gumuhit, kumanta, magpinta
Pinapangarap na propesyon: "Psychologist"

Disyembre 06, 2017

Sulatin Blg. 3

Talumpati

        Ang isang talumpati ay pagsasalaysay batay sa paksa na ibinigay o pinili ng tagapagsalita. Madalas nakabase ito sa mga paksang kasalukuyang nararanasan. Ayon, sa talumpating pinanood, ito at patunkolsa pagiging isang Pilipino at pagmamahal sa sariling bansang Piipinas. Sa pagsasalaysay ng mga saloobin patungkol a paksa. Habang sinasambit ang mga salitang sumusuporta sa talumpati, mayroong pagdidiin sa mga iilang salita na lubos na naglalarawan sa paksang pagiging isang Pilipino. Isa sa mga ito ang mga katagang " Ako ay Pilipino..." na inulit ng tatlong beses upang mas mabigyang pansin at makapukaw ng atensyon ng mga tagapakinig.
                 Ang talumpating isinagawa ng babae ay isinaulong talumpati. Mapapansing mas napaganda ang pagsasalaysay dahil nabigyan nya ng sapat na oras upang makapagawa nito. Makikita din sa emosyong kanyang ipinakita bawat salita, ang pagbibigay pansin sa mga ito. Mahalaga na ang mananalumpati ay nalalamanan ang mga bagay na makakapagkuha ng atensyon ng kanyang tagapakinig dahil ang mga ito ang magsusuri kung paano isinalaysay ang isang talumpati na ginawa.


Spoken Poetry

                Ang spoken poetry ay isang malikhaing pagsasalaysay ng sariling saloobin sa isang paksa. Madalas ang mga salita na ginagamit ay mabulaklak at magkakatugma. Batay sa pinanood, ay patungkol sa pag ibig na natapos. Ang tagapagsalaysay na si Maymay ay magaling sa paggawa ng mga ganitong talumpati. Nahikayat niya ang mga tagapakinig sa pamamagitan ng pag-iiba ng tono ng kanyang boses hanggang binabanggit ang mga salitang madalas ang mga tao ay may katulad na nararamdaman. 
         Ang spoken poetry ay madalas ginaganap sa mga lugar kung saan madaming tumatambay katulad ng "cafe". Madalas rin ang tagapakinig ay sawi sa pag ibig. Mas nakikita ng mga tagapakinig ang saysay at kagandahan nito kung ang mga nabibitawang mga salita ay kumokonekta sa kanilang mga nararamdaman. Emosyon at mga salitang pumukaw sa mga tagapakinig ang pinakabatayan kung gaano kaganda at kung anong mensahe ang naiiwan sa isip ng bawat isa.   

Enero 9, 2018


Simulan Mo Na

1. Ipapaintindi ko sa aking guro na hindi ako ang nagtapon ng balat ng saging sa pamamagitan ng pagkuha ng mga nakasaksi ng pangyayari. Ipapaliwanag kong nasa upuan lang ako at nanahimik nang mga oras na iyon at mapapansin din naman na nagsasabi ako ng totoo.

2. Ibibigay ko sa kanya ng harap harapan at hindi ibig sabihing may galit siya sa akin ay gagawin ko na ang bagay na iyon. 

3. Papatunayan kong hindi totoo ang salitang kapag ang magulang mo ay magnanakaw magnanakaw ka na rin. Sa simpleng pagtitiwala sa akin ng mga tao ay isang hakbang para malaman nilang hindi ako tulad ng magulang ko na nanloko.

Enero 12, 2018

Sulatin Blg. 4

Posisyong Papel

Pagpapatupad ng asignaturang Filipino bilang isang Mandatory Core Course sa Kolehiyo

Suriin Mo Na

1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel?
           Ito ay isang sulatin kung saan binabahagi mo ang sarili mong opinyon  isang paksa sa pamamagitan ng pagpanig sa dalawang naiibang pananaw.

2. Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel?
            Upang malaman ang iba't ibang impormasyon at hinaing ng manunulat.

3. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel?
            Dapat isaalang-alang ng isang manunulat sa pagsulat  ng posisyong papel ang paksang naayon sa kagustuhan at napapanahon ang kakayahan magbuo ng isang sulatin, naibabahagi ng angkop ang mga impormasyong nakalakip at ang mga impormasyon ay nararapat na totoo at may pinagbasehan.

4. Ano- ano ang nililinang na kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel?
 Ang pagsubok sa kakayahang manindigan at ipaglaban ang isang paksang napili.

5. Mahalaga bang isaalang-alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit?
Opo. Dahil ang bawat sulatin ay inaangkupan at binabatayan ang mambabasa. Dagdag pa rito, ang pagsasaalang-alang ng mga impormasyong maaaring makuha ng mga mambabasa.

Enero 12, 2018
Sulatin Blg. 5
1. Ano ang isyung binibigyang-diin sa posisyong papel?
 Ang pagpapatupad ng asignaturang Filipino bilang isang Mandatory Core Course sa kolehiyo.

2. Paano inilahad ang opinyon sa posisyong papel?
Sa pamamagitan ng paglalahad ng mga sitwasyong maaaring mangyari kung sakaling makalimutan na at mawalang bahala ang halaga ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

3. Paano inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu? Ano-ano ang mga ito?
Ginawa niyang batayan ang konstitusyong nilahad ni Manuel L. Quezon kabilang ang wikang Filipino ay mahalagang elemento ng kasaysayan sa daang-daang taon, pati na rin ang mga epekto nito sa mga Pilipino ngayon at sa dadating pang henerasyon.

4. Ano ang naging kongklusyon sa posisyong papel?
 Ang bawat isa ay tungkulin na matutunan ang wikang Filipino hindi lamang sa kolehiyo kundi sa buong rehiyon ng Pilipinas.

5. Ikaw, ano ang iyong paninindigan sa isyu?
Nararapat na pagtuunan ng pansin ang isyung ito dahil ang wika nating nakagisnan ay wikang Filipino at nararapat lamang itong dalhin ng mga Pilipino sa susunod pang henerasyon.

Nobyembre 21, 2017

OP #1

        Sa loob ng ilang taong pag-aaral mula elementarya hanggang sa ngayon, hinding-hindi mawawala ang pagsulat ng mga talata, tula, kwento at kung ano-ano pa. Sa halos dami ng iyong nagawa, masasabi mo bang dalubhasa ka na?
     Ang bawat manunulat ay may sari-sariling pananaw patungkol sa paraang kanilang ginagamit sa  pagbuo ng isang mahusay na sulatin. Ito ay maaaring nakabase sa interes at pananaw ng isang taong sumusulat. Hinding-hindi rin mawawala ang mensaheng nais iparating ng akda sa mga mambabasa sapagkat ito ang nagbibigay buhay at kahulugan ng isang sulatin. Iba't ibang tema at paksa ang sumasalamin sa mga sulatin o akda katulad ng, patungkol sa pamilya, kaibigan, hayop, lugar, bagay, pagmamahal sa bayan at iba pa. Sa mga paksang ito dedepende ang ayos ng impormasyong nakalapat sa katawan ng isang sulatin. Hindi maaaring maging iba ang nilalaman ng katawan sa paksang tinutukoy dahil nararapat lamang silang magkakonekta sa bawat isa.
        Ang anumang sulatin ay laging dedepende sa kagustuhan ng manunulat na paksa. Kung saan, mas makakagawa siya ng mas maayos at wastong akda kung ito'y pabor sa kanya.

Nobyembre 28, 2017
OP#2 : Impormatibong Abstrak

Kahiligan ng mga mag-aaral ng ILAM sa mga librong nakalimbag sa Ingles kaysa sa Filipino

     Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang magbigkas ng pasalita. Ang sistematiko at obhetibong pananaliksik na ito ay tungkol sa mga salik kung bakit mas nahuhumaling magbasa ng mga librong nakasulat sa Ingles kaysa Filipino ang mga estudyante ng ILAM.
    Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga metodolohiya kagaya ng serbey at pakikipanayam. Ang mga tanong na ginamit ay sinuri mabuti upang mapatunayan kung tunay o hindi ang "hyphoteses".
        Ayon sa nakalap na datos mula sa mga estudyante ng ILAM, mas higit na marami ang nagbabasa ng mga babasahing nakalimbag sa Ingles kaysa Filipino. Marami silang opinyon patungkol dito. Dagdag pa rito, nakikitaan ng "boring" ang tagalog at sinasabi ding paulit-ulit ang ng mga istorya nito. Ngunit may iilang nagsabing ang mga librong nasa wikang Filipino dahil mas madali nilang naiintindihan sapagkat ito ang kanilang pambansang wika.
        Napatunayan ng mga mananaliksik na ang kanilang "hypothesis" ay tama. Mas mahilig ang mga estudyante ng ILAM sa mga babasahing nakalimbag sa Ingles kaysa sa Filipino. Nakakalungkot man isipin na mas naiibigan nila ang mga gawang libro na hindi nasa wikang Filipino

OP#3: Sintesis #1 Kronolohikal

Tiser Annie

    Hindi sanay sa pamumuhay sa loob ng kagubatan si titser Annie. Si titser Annie ay nagtuturo sa Labo Elementary School. Sa araw-araw na pagtahak sa mga daan at ilog, kalaban niya ang peligro na maaring mangyari. Halos umaabot ng tatlong oras ang kanyang paglalakad bago makapunta sa paaralang kanyang tinuturuan. Mahigit dalawang taon nang nagtuturo si titser Annie sa sityo Labo, kasama ang isa pang gurong babae. Hindi lamang pagtuturo ang kanilang ginagawa sa mga katutubong mang yan, pati rin ang pagbibigay ng mga pagkain. 
       Ang mga estudyante ni titser Annie ay hindi lamang puro kabataan ngunit mayroon ding matatanda. Sa pagsapit ng gabi tinuturuan nila ang matatandang Mangyan dahil nais nilang magturo ang mga ito sa sarili nilang mga anak kapag wala na ang mga guro. Isa sa mga tinuturuan na matanda ay si Manang Lea. Ayon sa kanya, nais niyang matutong magsulat at magbasa.
          Inaamin ni titser Annie na naunahan siya ng takot noong una pa lamang siya madestino sa sityo na iyon. Hindi niya alam kung paano siya makikipagbagay sa mga katutubong mangyan. Subalit, dumating ang mga araw na unti-onti na niyang minamahal ang pagtuturo sa mga ito.
             Sa kinder, may isang estudyanteng nagngangalang Dina na nasa dalawang pung taong gulang na. Nakakapagtaka mang isipin na bakit siya napapabilang sa pangkat na ito. Ang kanyang ina na si Bilma ay may malubhang sakit at ang kanya namang ama ay pumanaw na kung kaya't siya ang tumatayong ama't ina sa pamilya nila. Sa loob ng isang linggo, pumapasok lamang siya ng tatlong araw dahil kailangan niyang magbanat ng buto upang magkaroon siya ng pambili ng pagkain at gamot ng kanyang ina. Sa pagbebenta ng saging, nakakakuha siya ng pera. Sa kabila ng matinding lakaran at pagod, kakarampot na halaga lamang ang kanyang nakukuha.
          Samantala, ang DepEd ay nagsabi nang tapos na ang termino ni titser Annie sa pagtuturo sa mga katutubong Mangyan. Sa kabutihang palad, hindi ito tinanggap ni titser Annie sapagkat minahal na niya ang mga tao dito. Para din sa kanya, pinapasaya siya ng mga ito at dito niya nakikita ang tunay na misyon ng kanyang pagtuturo.
      Mahirap man ang tinatahak sa araw-araw ngunit may mga bagay talagang magpapabalik-balik sayo upang pumunta sa lugar na iyon. Nahihirapan man si titser Annie sa pagpunta ngunit napapalitan ito ng saya dahil nakakatulong siya sa mga taong nangangailangan sa kanya.

OP#4: Sintesis #2 Kronolohikal

        Ang paaralang San Agustin - Tanza ay isinunod sa pangalan ng patron na si San Agustin na mas kilala sa tawag na Tata Osteng. Ito ay itinayo noong ika-14 ng Pebrero taong 1969 sa pamamahala ni Monsignor Francis o V. Domingo na kasalukuyang pari noon sa simbahan ng Holy Cross. Si Monsignor Francisco ay ipinanganak noong ika-4 ng Hulyo taong 1904 sa San Antonio, Nueva Ecija. Siya ay anak nina G. Deogracias Domingo at Gng. Anatolia Domingo.
       Noong Hulyo taong 1969, sinimulang buksan ang paaralang San Agustin-Tanza na mayroon pa lamang kinder at unang baitang. Ang unang punong guro na si Sr. Angeles Gabutin, AR, ang namamahala noon sa loob ng dalawang buwan at napalitan naman ni Sr. Clemencia Ranin. Sa paglipas ng isang taon, nakita na ang pagbabago ng paaralang ito. Itinayo na rin ang isang gusali at noong 1971, itinayo na rin ang isa pang gusali na para sa mga "high school". Natapos ang pagtatayo noong 1972, at naisunod na rin ang pagtatayo ng "basketball court".
       Noong 1988, isa sa mga estudyante ni G. Justo Cabuhat na si Norgin Molina, ang gumawa ng logo ng paaralang San Agustin at ito ang kinikilalang logo hanggang sa ngayon. Ang logo ay naglalaman ng mga salitang latin na "Si Possunt Cur Non Ego"  na ang ibig sabihin ay kung kaya nila bakit hindi ko kakayanin. Ito rin ang nagsisilbing kasabihan ng paaralang ito.
         Sa paglipas ng ilang taon, nagkaroon na ng institusyon at programang K to 12 kung saan sinimulan ang pagpapatayo ng isa pang paaralan para sa Senior High School. Sa taong 2015, isinagawa ang pagtatayo nito, katabi ng Felipe Calderon Elementary School. Ang paaralang San Agustin - SHS ay mayroong STEM, ABM, HUMMS at GAS. Binuksan ang unang pasukan nito noong ika-20 ng Hunyo, 2016 at nagkaroon ng mas maraming bilang estudyante sa STEM kaysa sa ABM at HUMMS.
         Hanggang sa ngayon, patuloy na nakatayo ang paaralang San Agustin at sa dating na ika-14 ng Pebrero, 2018 magdidiwang ng ika-50 taong anibersaryo ang paaralang ito.

OP#5: Bionote

       Si Sheben E. Alcantara ay mula sa Bagtas, Tanza, Cavite, siya ay nagtapos ng kanyang elementarya sa Punta Elementary School nanagkamit ng karangalang bilang isang natatanging mag-aaral na magaling sa sining na umabot hanggang rehiyonal. Pagdating ng hayskul, siya'y nagtapos sa Tanza National Trade School na nasa ika-10 baitang. Pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng "Senior High School" sa paaralang San Agustin - Tanza dahil wala ang istrand na kanyang kukunin sa kanyang nakaraang paaralan, kung saan ito ay " Science, Technology, Engineering and Mathematics" o kilala sa tawag na STEM.
         Sa katunayan, kabilang siya Guhit Pinas na pinamumunuan ng mga taong mahuhusay sa pagguhit at paggawa ng iba't ibang sining.
         Sa kasalukuyan, siya ay isang mag-aaral sa kanyang ika-12 na baitang sa paaralang San Agustin at inaasahang magtatapos ng "Senior High School" sa taong 2018.

OP#6: Spoken Poetry

Bakit... Ayoko na... Kasi pagod na ko...

Nakaupo ako sa isang sulok
Kung saan dumating ka
At sinabing "Ahm... Hi? Pwede ba kong tumabi sayo?"
Kitang-kita ko sa mga mata mo na masaya ka
Tinanggap kita at dito nagsimula ang ating istorya.
Naging masaya hanggang sa naging sobra...
Sobrang pagmamahal na umabot sa katapusan...
Katapusan ng mga araw, linggo at buwan ng pinagsamahan
Sa madaling salita hindi tayo umabot ng taon
Nawala ang lahat
Ikaw kasama ng masasayang alaala
Pati na rin ang mga salitang " Ikaw at ako, kahit walang tayo"
Hindi ko alam
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman
Pero bakit ako umiiyak?
Bakit ako nasasaktan?
At bakit ako napapaisip sa tuwing naaalala ko lahat...
Lahat ng masasayang alaala na binalot ng buong-buo ng kalungkutan
At bakit?
Bakit kailangang may maiwan sakit dito?
Dito sa puso ko...
Simula ng maputol ang salitang "Ikaw at ako, kahit walang tayo..."
Walang tayo...
Wala nga palang tayo
Kaya siguro tama na
Ayoko na...
Ayoko ng umasa na babalik pa
Kahit alam ko namang walang-wala na talaga
Ayokong dadating ang araw na uupo ulit ako sa isang sulok tapos dadating ka at sasabihing, "Hi? Pwede ba kong tumabi sayo?"
Ayoko!
Ayokong ngingitian mo ulit ako at ipapahiwatig ng mga mata mo na masaya ka...
Ayoko!
At ayokong madala ulit sa mga kwento mong matatapos din sa wala...
Ayoko!
Ayoko na ng tungkol sayo
Kaya kung uupo ulit ako sa isang sulok
Pakiusap lang,
H'wag na ako ang pipiliin mo
Kasi pagod na ko!
Pagod na kong umiyak!
Pagod na kong masaktan!
Pagod na kong maghabol!
At pagod na kong magmahal...
Magmahal ng paulit-ulit pagdating sayo...
Kaya Mahal...
Patawad...
Ayoko na sayo.

Enero 15,2018
OP#7: Posisyong Papel


       Ang editoryal kartun na ito ay tungkol sa pagsalubong ng taong 2018 ng ligtas at mapayapa. Umani ng iba't ibang reaksyon ang pinatupad na patakaran ng pangulo ng Pilipinas.
       Sa pangunguna ni Pangulong Digong Duterte, pinagupad ang "Executive Executive Order 28" na naglalaman ng isang patakarang naglalaman ng pagbabawal ng paggamit at pagtitinda ng mga paputok. Sa kabila nito, madaming tao ang naapektuhan lako na ang mga taong nagnenegosyo nito kung saan hihina ang kanilang mga kita. Dagdag pa dito, kabi-kabiling reaksyon ang natanggap ng gobyerno sa mga tao. Mayroong nagsasabing maganda ang maidudulot nito at mayroon din namang pagkadismaya patungkol sa patakaran na pinatupad. Ang patakarang nasabi ay para sa ikabubuti ng bawat.
           Sa ating mga nasaksihan ng pagsapit ng 2018, maganda naman naidulot nito sa atin at nabawasan ang mga taong nanganib ang buhay dahil sa paputok. Kahit na mayroong patakaran nang nailathala, may iilan pa ding sumuway at napunta sa panganib, na nag-iwan sa kanila ng mga aral na tatatak sa kanilang mga isipan.

Enero 24 2018
Mga karanasang hindi malilimutan

1. Nakasabay ko ang lalaking nakita ko sa may court sa amin at parehas pa kami ng galaw.
Hindi ko malilimutan dahil hindi ko inaasahang parehas kami ng galaw o sadyang ginagaya niya lang ako pero sa tingin ko hindi naman

2. Naputukan ako ng lobo ng sabay sa kabilaang tenga.
Hindi ko malilimutan dahil pakiramdam ko nawala ako sa sarili na parang nabingi ako at napaluha na lang bigla

3. Nadapa ako ng paulit-ulit yung tipong yung sugat ko natuklap pa ulit.
Hindi ko malilimutan dahil nag-iwan itong malaking peklat sa tuhod.

Enero 24, 2018

Sulatin Blg. 1
1. Ano ang mahalagang layunin ng nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?
Ang makapag-iwan ng mensahe sa bawat mambabasa.

2. Bakit kailangang gumamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
Upang mahikayat ang mga mambabasa na tapusin ang akda at makuha ang atensyon ng mga ito.

3. Ano-ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng repleksyon?
Ang mga bahagi ay naglalaman ng mabulaklak na salita at lalo na sa unang bahagi . Ang replektibong salaysay ay dapat nakakakaakit kung saan naglalaman ito ng malalaman na impormasyon.


4. Bakit mahalagang matutuhan ang ganitong Uri ng sulatin?
Dahil Ito ang nagiging alaala sa mga pangyayaring nagaganap sa nakaraan at nakikita natin ang aral sa kabila nito.

5. Ano ang mahalagang sangkap na dapat mayroon sa pagsulat ng replektibong sanaysay? Bakit?
Ang mga ito ay ang sapat na impormasyon, naangkop na mga salita at may aral. Dahil ito ang magbibigay saysay sa dumating ito. Dagdag pa dito, mas mahihikayat ang mga taong basahin ito.

Sulatin Blg. 2

Mahahalagang Aral na pumukaw sa akong kaisipan :
Huwag susuko sa hamon ng buhay kahit pilit ka na binababa at hinihila pababa.

Pag-uugnay sa sariling Karanasan:
Naghabol din ako upang makamit ang ninais ko sa buhay at Hindi ko hinayaang sumama sa naanod. Ginawa ko din ang lahat at masasabi kong unti-onti ko na siyang naaabot.

Pagsasabuhay sa natuklasan sa iyong sarili.
Kahit anong mangyayari, iwan ka man 'wag Kang susuko. Tumayo ka at lumaban dahil kung gaano ka lumalaban ng matatag mas lumalapit ka sa tagumpay.

Enero 24, 2018
Op#1 Replektibong Sanaysay

Katatapos na Proyekto sa Pananaliksik

       Ang bawat letra ay aming minabuting suriin, isaisahin at pagtuonan ng pansin. Mga matang babad sa harap ng kompyuter at magdamag na gumagalaw ang mga daliri kakapindot ng mga letra. Nagsabay ang pagod at puyat na humantong sa init ng ulo. Init ng ulong bumalot sa mga araw na iyon. Dinala ako ng pagod sa isang bagay na hindi ako. Nawala ako sa aking sarili hanggang sa napansin kong iba na ako. Pagod at puyat na inilaan ay isang matinding kalaban sa nararamdaman.
       Naglaan kami ng oras upang mapaganda at maayos ang aming pananaliksik. Binasa ko ang sampung artikulong maaaring makadagdag ng impormasyon. Lumilipas ang oras ng hindi ko alam hanggang sa namamalayan kong madami na kong naiwan. Pilit ko silang hinabol at naramdaman ko ang pagkawalang gana. Ang paggawa ay naiwan sakin ng mag-isa. Nawala ang lahat na parang bula. Nakaramdam ako ng inis at galit. Kalauna'y bumalik din sila pati na rin ang aking sigla. Sama-sama kaming nagtiyaga matapos hanggang sa makamit ang aming mga gusto, ang matapos ang aming pananaliksik.
       Dumating man ang mga panahong hinila na ako pababa, dumating din silang nakaabot kamay para itaas ulit ako. Ang pananaliksik ay isang akademikong pagsulat kung saan nilalaanan ng mahabang panahon sa madaling salita kailangan ng katulong. Pagod at puyat man, huwag nating hayaang paikutin tayo nito na hahantong sa galit at inis.

OP #2 Lakbay Sanaysay

Wow! Ang Ganda-Ganda naman!

        Tatlong taon na rin ang nakakalipas noong huling nagbakasyon nagbakazyon ako sa Samar. Tandang- tanda ko pa noon ang hirap na dinanas namin sa biyahe. Iyon ang unang pagkakataong dalawa lamang kami ng aking kapatid na nagbiyahe papuntang terminal ng bus. Hindi naman kami nawalan ng matatandang kasama dahil nagkitakita din kami ng aking mga kamag-anak sa terminal. Inabot kami ng limang oras sa pag- aantay sa bus at kalaunay nakasakay rin kami. Nagpatuloy ang biyahe at ako'y nagsimula nang matulog. Huminto ang bus sa mga nadadaanang bus stop para sa mga taong kinakailangan ng banyo at gustong bumili ng pagkain. Nagpatuloy ang biyahe,humihinto kapag may bus stop at patuloy ulit sa pagbiyahe.
           Umaga na noon ng makarating kami ng Sorsogon at nasilayan ko na ang mga puno ng niyog na nakatanim. Patuloy ang pagbiyahe hanggang sa nasilayan ko na ang bulkang Mayon sa unang pagkakataon. Totoo nga ang sinasabi na napakaganda nito. Hindi lng doon nagtatapos ang magagandang tanawin na masisilayan dahil pasakay na kami ng barko noon. Hangang nasa barko, rinig ang hampas ng alon at kitang kita ang magandang kalangitan. Sandali akong natulog at nagising na lamang ng kamiy malapit na. Pagkababa ng barko inasikaso namin ang aming mga gamit at sumakay na sa habalhabal isang motorsiklong may mahabang puwit na kasya ang limang tao. Umabot lang ng labing limang minuto ng marating namin ang bahay ng aking lolo. Kitang kita ko ang pagkasabik niya na makita kami.  Kitang kita ko ang pagkasabik niya na makita kami. Nagpasya akong magpahinga muna para sa paggala kinabukasan.
        Nang mga sumunod na araw nilibot na namin ang buong baranggay hanggang sa kalapit na barangay nito. Nakita ko ang dagat na minsan hindi ko nasilayan sa cavite. Manghang-mangha ako sa aking nakita dahil hindi ko akalaing may mga lugar pa palang tulad niyon. Sa loob ng labing limang araw,  natikman ko ang ibat ibang klase ng isda at mga pagkaing pinagmamalaki doon.  Napakaganadang pagmasdan ng mga nakapaligid sa akin ng mga araw na iyon. tanging nasasambit ng aking bibig ay " wow! ang ganda ganda naman!" Naranasan ko ding maligo ng ilang beses sa isang araw sa dagat at makitaang magandang ilalalim ng dagat.  Sa sobrang pagkahikayat sa dagat may  isang aksidenteng nangyari sa akin. Habang kami ay nakikipaglaban sa alon na naglalakasan, nahampas ako nito ng paulit-ulit hanggang sa mawala ako sa balanse at sumalpok sa mga bato.
          Naramdaman ko ang hapdi na ang akala ko ay wala lang ito hanggang sa napansin ko ang aking paa na may isang dangkal na hiwa sa may talampakan. Dagdag pa rito,ang aking binti na puno ng sugat at hiwa pero nanatili akong lumangoy ng lumangoy kahit nasakit na ito dahil sa kasabikan sa dagat. Marami din kaming pinuntahan bukod sa dagat, ito ang puntod ng aking lola sa bundok. Doon ko din naranasan ang unang pag-akyat sa bundok at pagkuha ng prutas ng libre. Nanguha kami ng buko at kumain gamit ang kutsarang gawa sa pinakabalat nito. Mas masarap pa ito kaysa sa bukong nabibili sa Cavite. Nasilayan ko din kung gaano kagaling umakyat ng puno ang mga tao roon.
           Lumipas ang labing limang araw at kinabukasan kami ay dapat ng lumisan. Maraming alaala ang naiwan nito sa aking isipan at dito ko nasabing kahit mahirap ang buhay sa probinsya may mga pagkakataong ang mga nasa paligid mo ang maghahatid ng saya na hinahangad mo. Kaya kung papapiliin ako ng lugar na pupuntahan, ang probinsya  ang aking pipiliin dahil dito ko natagpuan ang tunay na kasiyahan na hinahanap ng bawat isa.

OP#3 Pictorial Essay

"Ang tunay na karangalan ay nagmumula sa sarili at kung paano tayo lumaban ng marangal..."

    Sa bawat ngiti, kaway at paglakad, nakatago ang mga taong nagbibigay inspirasyon. Mga inspirasyong nagmumula sa pagmamahal na nabuo sa simpleng tawanan at kwentuhan. Makikita sa mga mata ang sayang dinadala kasama ang mga ngiting nagsasabing, "salamat sa pasuporta!" Ngunit kung nananatili ka na lang mag-isa naiisip mo pa bang may inspirasyon ka pa? 
      Naaalala ko pa ang mga araw na una akong sumali ng paligsahan sa pagmomodelo ng kasuotan na gawa sa mga basura na maaari pang pakinabangan. Hindi maitatanggi ang kabang namumutawi sa buong katawan, mga kamay na nanginginig at pusong kumakabog sa sobrang kaba. Nasilayan ko ang mga naggagandahang mga damit gayundin naman, ang pagiging dalubhasa sa paglakad. Karamihan sa mga kasapi, nasa tabi nila ang kanilang mga kaklase, samantala ni isang kaklase ay walang tumabi sa akin. Namuo ang lungkot at inggit sa aking puso ng mga oras na iyon. Kasama ang nakatatandang kapatid, tinulungan nya akong magpalakas ng loob at pigilan ang luhang tumutulo sa aking mga mata. Sa paglipas ng oras, nasa akin na ang atensyon ng lahat, oras ko na para magpasikat. Lumakas ang tibok ng puso, naglakad paunti-onti hanggang sa patuloy na akong ngumiti at sinabi sa sariling, "Kaya ko ito. Kasama ko ang Diyos, lalaban ako..." simula noon narinig ko na ang hiyawan ng mga taong nanonood, kasama ang mga ngiti sa labi.
      Nawala ang kaba at mas lalo ko pang pinag-igihan. Sa mga oras na iyon, kinaya ko ang lahat kasama ang Diyos  nang may lakas loob. Kalauna'y binanggit na ang mga nanalo at nagkamit ako ng ikatlong karangalan, na para sa akin ito na ang isang malaking tagumpay sa paglaban ng ganitong kompitesyon. Laking gulat ko ng lumapit ang aking mga kamag aral at binati ng napakahusay. Nakaramdam ako bigla ng saya na aking akala'y naiwan na kong mag-isa.
      Dumating man ang oras na wala ka nang makitang kasangga sa laban, huwag na huwag mong kakalimutang nandiyan ang Diyos gumagabay sayo at nagmamahal.

OP #4: Resume          

ALCANTARA, SHEBEN, E.
Blk 19 Lot 18 Phase 5 Carissa Homes
Bagtas, Tanza, Cavite

EDUKASYON
Institusyon
Tinapos
Petsa
Cavite State University
Bachelor of Science in Psychology
Marso 2022
Saint Augustine School
Senior high School
Marso 2018
Tanza National Trade School
Junior High School
Marso 2016
Punta Elementary School
Elementarya
Marso 2012







       
MGA KARANGALANG NATAMO
·       Bronze Awardee 2017
·       1st Place (on the Spot Poster Making) 2015
·       3rd Place (Recycled Costume) 2015
·       Artist of the Year 2012
·       3rd Place (on the Spot Poster Making) 2011
·       1st Pace (On the Spot Poster Making) 2010


MGA LAYUNIN SA BUHAY


  •         Naiaangkop ang ugali sa loob at labas ng trabaho pati na din sa ibang tao.
  •          Naisasakatuparan ng maayos ang mga Gawain ng nasa tamang oras.
  •      Naisasabuhay ang mga bagay na natututunan sa loob ng trabaho sa pamilya, kaibigan at mga taong nakapaligid.



MGA DINALUHANG PALIHAN
  • Pamagat
    Organisasyon
    Pinagdausan
    Taon
    Wastong Distribusyon Ng Enerhiya sa bawat lugar
    National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)
    Binan, Laguna
    2017
    Wastong gamit ng Enerhiya mula sa tubig
    Cleanergy Center-Aboitiz Power
    Calauan, Laguna
    2017


SAMAHANG KINABIBILANGAN
 Miyembro, Guhit Pinas

·     
SANGGUNIAN

Engr. Arnel Maranon
Inhenyero
Saudi Arabia
Telepono (02)5248508

Mariyn Mendoza
School Nurse
Tanza National Trade School
Paradahan, Tanza, Cavite
Numero: 09293166761

          Ang mga impormasyong nakatala sa itaas ay pawang may katotohanan.




SHEBEN E. ALCANTARA

OP # 5: Liham Aplikasyon

Blk 19 Lo 18 Phase 5 Carissa Homes
    Bagtas, Tanza, Cavite                           
Ika-2 ng Hunyo 2022                          

G. WILFREDO ORTENCIO
Punong Guro
Tanza National Trade School
Paradahan, Tanza, Cavite

Mahal na Ginoong Ortencio:

          Isang magandang araw po sa inyo!
          Ako po si Sheben E. Alcantara, nagtapos ng Bachelor of Psychology sa Cavite State University taong 2022. Nais kopo sanang mag-aplay bilang isang Guidance Counselor o anumang posisyon na nauukol sa aking kurso sa inyong paaralan.
          Ang pagiging iskolar na estudyante ay hindi po biro sa kadahilanang ito ang nagging daan upang ako po’y makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo sa tulong ng sipag at tiyaga. Ang anumang responsibilidad na inyong maibibigay ay aking tatanggapin at gagawin kasama ang sipag at tiyaga.
          Ang mga impormasyon ay nakalakip lamang sa aking pansariling tala na maaari niyo pang batayan kung inyong mamarapatin.
          Inaasahan kopo ang inyong pagtugon.
          Maraming salamat po!


Lubos na sumasainyo,                  



  Bb. SHEBEN E. ALCANTARA    
  
OP# 6 Liham Pasasalamat

Blk 19 Lot 18 Phase 5 Phase 5 Carissa Homes
Bagtas, Tanza, Cavite                                           
Ika-1 ng Agosto 2022                                           

G. WILFREDO ORTENCIO
Punong Guro
Tanza National Trade School
Paradahan, Tanza, Cavite

Mahal na Ginoong Ortencio:

          Pagbati!
          Ako po si Sheben E. Alcantara, isa sa mga nag-aplay sa inyong paarala na lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtanggap sa akin bilang isang Guidance Counselor. Ito po’y aking tatanawing utang na loob at gagampanang ang mga responsibilidad  na iaatang sa akin.
          Maraming Salamat po!


Lubos na sumasainyo,                                     



Bb. SHEBEN E. ALCANTARA                      


PETSA: Marso 6, 2018
PARA SA: MGA DADALO NG SENIORS BALL
RE: BUWANANG PULONG
MULA KAY: PANGKAT 7-STEM 3


          Ipinapaalam sa lahat ng dadalo sa darating na Seniors Ball ay inaanyayahang dumalo sa pagpupulong na gaganapin sa ika-6 ng Marso, 2018 sa ganap na 4:30 ng hapon hanggang 5:30 ng hapon sa silid-aralan ng paaralang San Agustin-SHS.

AGENDA:

  1. Pagrerehistro sa lahat ng dadalo.
  2. Pagsisisimula
  • panalangin
  • pambungad na pagbati
      3. Pagtaatalakay sa programang gaganapin
  • Pagpapaliwanag ng programa
  • Paghingi ng  opinyon
  • Pag-aanaisa ng mga impormasyon
  • Pinal na desisyon
      4. Pagwawakas

Panukalang Proyektong Pngnegosyo:         Ihaw-Ihaw at Sago’t Gulaman
Proponent ng Proyekto:        Sheben Alcantara
                                                Myca Aquilesca
                                                Sheila Clamosa
                                                Marcus Laguatan
                                                Jett Manalo
                                                Kevyn Quijano
                                                Grade 12- Students
                                                Saint Augustine School – Senior High
                                                Daang Amaya 3, Tanza, Cavite

Kategorya ng Proyekto:       Pangkabuhayan sa bakasyon mula Abril hanggang Mayo
Rasonal ng Proyekto:           
           Ang buwan ng Marso hanggang Mayo ang pinakamatagal na bakasyon ng mga tao (karamihan ang mga esudyante) kasabay nang init na mararanasan. Mamalagi man sa mga sari-sariling tahanan o pumunta sa iba’t ibang lugar, may mga pagkain pa rin na pumupukaw at tumatakam sa ating mga kalamnan. Isa na dito ang ihaw-ihaw na kahit saan may mapagbibilhan kasabay ng sago’t gulaman na sasagot sa ating pagkauhaw.
       Ang pagnenegosyo ng mga estudyante tuwing bakasyon ay higit na makakatulong upang makapag-ipon ng pangtustos sa mga kakailanganin sa susunod na pasukan. Ito ang nagiging daan upang matutong tumayo sa sariling paa na hindi laging inaasa sa mga magulang at pagiging responsableng anak at isang estudyante.
Deskripsiyon ng Proyekto:
            Ihaw-ihaw na masarap at sago’t gulaman para sa lalamunang nauuhaw.
            Narito ang mga hakbang upang maisagawa ang Ihaw-ihaw at Sago’t Gulaman:
  1. Mga Sangkap:

·       Dugo ng baboy
·       Taba ng baboy
·       Atay ng baboy
·       Liempo
·       Paa ng manok
·       Ulo ng manok
·       Bituka ng manok
·       Bato ng manok
·       Hotdog
·       Toyo
·       Suka
·       Mantika
·       Paminta
·       Ketchup
·       Kalamansi
·       Asukal
·       Sibuyas
·       Bawang
·       Asin
·       Sago
·       Gulaman
·       Sago’t Gulaman juice powder
·       Tubig
2. Hugasan ng mabuti ang mga lamang loob (kung maaari pakuluan muna ito sa tubig upang masiguradong malilinis ito ng maayos).
3. Lutuin ng sandali ang dugo, bituka, taba, ulo, atay at bato ng hiwa-hiwalay.
4. Ilagay ang lutong lamang loob sa barbeque stick batay sa kung ano ito pati na rin ang hotdog maliban lang sa liempo ng baboy.
5. Gumawa ng sawsawan na nahahati sa maanghang at hindi.
6. Itimpla ang Sago’t Gulaman Juice powder sa tamang dami ng tubig at ilagay ang sago pati na rin ang gulaman na hiniwa ng maliliit na pakahon.
Badyet na Kinakailangang Puhunan (sa PHP)
Ihawan
 1 500
Ketchup
50
Straw
100
Barbeque Stick
100
Tupperware na lagayan ng mga iihawin
800
Plastik labo
100
Uling
500
Lagayan ng Sago’t Gulaman
300
Plastik na baso
200
Yelo
100
Kabuoang Halaga
PHP 3 750

Pagpapalagay:
  • Ipagpalagay na 60 araw magtitinda ng ihaw-ihaw at sago’t gulaman.
  • Ang halaga ng ihaw-ihaw ay:

·       Dugo – PHP 5.00
·       Isaw – PHP 3.00
·       Taba – PHP 7.00
·       Paa – PHP 3.00
·       Ulo – PHP 10.00
·       Atay – PHP 7.00
·       Bato – PHP 7.00
·       Liempo – PHP 20.00
·       Hotdog – PHP 10.00
Ang halaga ng sago’t gulaman ay PHP 6.00.
  • Nakabebenta ka ng 50 pirasong ihaw-ihaw at 25 na sago’t gulaman bawat araw.
  • Sa isang araw ay may kita ka na PHP 550.00 (50 piraso ng ihaw-ihaw × 8 average price ng ihaw-ihaw) + (25 piraso ng sago’t gulaman × 6 pesos).
  • Samakatuwid ang kinita mo sa 60 na araw ay PHP 33 000 (60 na araw × 550 na kita kada araw).
  • Ipagpalagay mo na aalisin ang PHP 4 000 sa PHP 33 000 ꞊ PHP 29 000.
  • Ang kinita mo sa iyong pagtitinda ay PHP 29 000.

















Mga Komento