MARCUS

Marcus Bryan S. Laguatan
Grade 12 - STEM 3


Pangatlong bahagi


OP#1 Pagsulat
Nobyembre 21, 2018


Ayon sa sariling kahulugan ng paksang ito sinasabi dito na ang pag sulat ay tugma sa mga paksa, tema o mga taong na kaya nating sagutin depende sa kagustuhan, pananaw, at interes. Ayon din naman sa aklat na aking nabasa ang pag sulat ay isang sistema ng komunikasyong interpersonal. Gaano din ba kahalaga sa atin ang pag sulat?

Napakahalaga ng pag sulat sa ating buhay dahil ito ay isa sa pakikipagkomunikasyon natin sa ibang tao. Isa din naman ito sa paraan ng pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at kalaman ng pagsulat katulad ng pagsasalita. Nagsusulat tayo upang makapag ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mag udyok sa mambabasang sumulat ng makabuluhan.

Mahalaga ang pag sulat dahil kung marunong tayong sumulat makakaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon. Mahalaga rin ang pag sulat sapagkat sa pamamagitan nito maaari mong makausap ang taong matagal mo nang hindi nakakausap.



#2 Impomatibong Abstrak
Nobyembre 28, 2018


Epekto ng mga Social Networking Sites sa mga piling mag-aaral ng BSBA-1

                Ayon sa kanilang pag-aaral at pananaliksik, nais nilang malaman ang epekto sa pag-aaral ng pag sali sa social networking sites ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Misamis. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para sa matulungan ang mga mag-aaral na malaman o maintindihan kung ano ang epekto ng social networking sites sa kanilang pag-aaral. Hindi lahat ng nagiging epekto nito ay positibo. Nalaman nilang naging sagabal ito sa pag-aaral at nagiging sanhi ng pagbaba ng grado ng mga estudyante.

                Sa kaugnay na literature na kanilang nakuha mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na mag kakaugnay ay maaaring maging basehan para sa interaksyong sosyal na computer-mediated. Ayon sa mga pag-aaral, ang networking websites ay isang mabuti at maayos na pamumuno ng isang organisasyon at gayundin sa negosyo.

                Ayon sa datos na kanilang nakalap, ang social networking ay isang istrakturang sosyal na gawa sa mga Nodes sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema. Ang kanilang natuklasan sa kanilang pananaliksik ay marami ang naidudulot na maganda ang mga social networking sites na ito para sa pakikipaghalubilo sa mundong virtual. Bagamat, marami ring masamang naidudulot ang pagkakaroon ng account sa mga social networking sites sapagkat nawawala ang seguridad ng mga estudyante.



#3 Sintesis (Sekwensyal)
Nobyembre 29, 2018


Titser Annie

Una:
                Nag lalakad sa isang liblib na lugar si Titser Annie at si Kara David. Si Titser Annie ay nag tuturo sa Paaralang Elementarya ng Labo sa Lungsod ng Negros Oriental. Nagtuturo dati si Titser Annie sa Pribadong Paaralan ngunit mas pinili niyang mag turo sa mga mangyan dahil ditto niya nakita ang kanyang malasakit.

Pangalawa:
                Halos isang oras o dalawang oras ang lakaran papunta sa Elementarya ng Labo. Dadaanan pa nila ang 16 na ilog at ganun iyon kalayo. Sa paglalakad na iyon may mga nakasabay sila na ilang mangyan. Pangalawang taon ng Titser si Titser Annie sa Sitio Labo. Walang makain ang mga mangyan doon kundi balinghoy lamang at kailangan nilang mag igib para makakuha ng kanilang inumin.


Pangatlo:
                Natakot ang mga mangyan sa mga dayuhan na tulad ni Titser Annie ngunit sa tinagal tagal nakuha na ang loob ng mga mangyan at pagdating ng gabi ay tinuturuan ni Titser Annie ang mga matatanda doon katulad ni Manang Lea.

Pangapat:
                Idinokmentaryo din ang pamilya ni Dina na ang kanyang ina ay may sakt na Pneumonia. Halos dalawang taon na niya itong dinadaing dahil nga sa kahirapan wala silang pang biling gamut para sa kanilang ina na si Vilma.

Panglima:
                Ang pangunahin nilang pamumuhay ay ang pagsasaging. Nag puputol ng saging si Dina para idala sa deliberan ng saging. Nang madala na ang saging na kanyang dinala na halos dalawang oras niyang binitbit, 144 pesos lamang ang kanyang naibenta at pinambili niya ito ng gamut para sa kanyang ina.



#4 Sintesis (Kronolohikal)
Disyembre 5, 2017


                Ang paaralan ng San Agustin ay itinatag noong ika-14 ng Pebrero sa taong 1969 at itinatag din ito sa Poblacion , Taza, Cavite. Ang pangalan ng eskwelahan na ito ay ipinangalan sa patron ng kanilang simbahan na si San Agustin o Tata Usteng.

                Ang paaralan ng San Agustin ay nagsimula sa 44 na estudyante at 2 guro lamang ito ay unti unting umuunlad dahil sa edukasyong alok nito. Nagkaroon din ng mga pag diriwang tulad ng “feastday of saints, foundation day, sportsfest, Christmas party, Ash Wednesday, at Teachers Day.” Noong taong 1971, sinundan ito ng isa pang gusali para sa sekondaryang lebel o hayskul. Natapos na gawin noong 1971. Sinundan naman ito ng basketball court.

                Nag bago ang administrasyon ng Paaralan ng San Agustin subalit ang director nito ay si Fr. Luciano Paguiligan at si Fr. Corrie Legaspi. Masasabi natin na lumalaki na ang paaralan ng San Agustin dahil dumadami na ang mga mag-aaral at dumadami din mga gusali dito.



#5 Bionote
Disyembre 5, 2017


                Si Marcus Bryan S. Laguatan ay mula sa Santol, Tanza, Cavite. Siya ay nag tapos ng kanyang elementary sa Santol Elementary School. Siya din ay nag tapos ng kanyang hayskul sa Rosario National High School sa ika-10 baitang. Pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng Senior High School sa paaralan ng Saint Augustine School na ang kanyang kinuha ay STEM.



#6 Spoken Word Poetry
Disyembre 15, 2017


Natatakot Ako

Noong bata ako natatakot ako sa multo
Pero hindi lang ako takot sa multo pati narin sa nanay ko
Habang nagkakamuwang na ako sa mundong ito, hindi na ako takot sa mga bagay na iyan

Pero simula noong dumating ka sa buhay ko nangako kang hindi mo ako iiwan at simula noon natakot muli ako.
Natakot ako sa pangako mo, natakot ako na iwan mo.
Simula noong pinangakuan mo ako pero bakt ngayon iniwan mo ako? May mali ba sa akin? Sa atin? O sa iyo?
Bakit umalis ka ng walang dahilan? Ganoon nalnag ba kadali iyon para ako ay iyong iwan?

Natakot ao nung ako’y iyong pinangakuan pero mas natatakot ako nung ako ay iyong iniwan.
Natakot ako sa pangako mong hindi makatotohanan pero mas natatakot ako nung sinabi mo sa akin na hindi mo ako iiwan.
Natatakot ako… Natatakot ako…

Dahil sa’yo at sa mga pangako mo kaya natakot na muli ako
Ito na ang huling pagmamahal ko para sa iyo, ito na…
Tapos na ako, dyan ka na sa bago mo!



#7 Posisyong Papel (Editoryal Cartoon)
Enero 15, 2018


                Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil ito lamang ang kayamanan na hindi mananakaw, Sa panahon ngayon kujng wala ang pinagaralan ay wala kang makukuhang magandang trabaho. Kung nakapag trabaho ka nga pero wala ka naming sapat na karanasan bali wala rin. Pagkatapos ng iyong pag-aaral napakahalaga ng OJT o On-Job Training dahil ito ang iyong susi para masabi na mayroon kang karanasan sa trabahong iyong papasukan. Sa bansa natin karamihan ay walang makuhang trabaho dahil wala silang pinagaralan o kaya naman ay walang sapat na karanasan. Kaya ang mga tao sa ating bansa ay nag tatrabaho sa ibang bansa. Tulad n gating bansa, hindi tayo kumukuha ng isang empleyado na walang karanasan sa pinasukang trabaho ngunit minsan ay mali din naman iyon. Kung kaya naman ng isang empleyado ang isang trabaho bakit hindi nila ito kuhanin. Naniniwala ako na kahit hindi na kailangan ng isang karanasan ang trabaho na kung kaya naman ito ng isang empleyado.


Pang apat na bahagi


#1 Replektibong Sanaysay
Enero 26, 2018


Natatanging Karanasan ng Isang Mag-aaral

Noong ako’y 7 taon pa lamang sinimulan ko nang mag-aral sa elementarya. Tandang tanda ko pa noon na napakadali lamang ng mga asignatura sa elementary para bang level 1 pa lamang ito. Nagkamit ako noon ng karangalan hanggang matapos ako ng elementarya.

Habang tumaas ang aking grado pahirap naman ng pahirap ang mga asignatura. Kung sa elementarya ay level 1 pa lamang sa paaralan ng sekondarya humihirap na ito. Katulad ng paggagawa ng mga projects, assignments, etc. Pero nang makatapos ako ng Junior High School tumungtong na ako sa Senior High School na hanggang sa ngayon ay nandito parin ako sa baitang 12. Sobrang hirap na sa Senior High School kung susumuin mo ay kasing hirap na ng sa kolehiyo dahil praktis pa lamang ito para sa kolehiyo. Sobrang hirap pero kakayanin para sa ikakaunlad ko at para sa aking hinaharap.

Ngunit sa lahat ng iyan, mas maayos na mahirapan ka sa una at para sa huli at hindi mo to pagsisihan. Normal na lan g sa tao ang mahirapan para sa kanilang mithiin at hinaharap lalo na sa atin na mga estudyante pa lamang. Wag mong indain ang hirap na nararanasan mo ngayon dahil ikaw din naman ang mag dudusa nito sa huli.

Bilang pagtatapos nang sulating ito nais kong ipabatid sa inyo na para sa ating pangarap ang paghihirap na ito ngayon. Mas masarap sa pakiramdam ang nahihirapan at nakuha ang iyong mithiin at pangarap kaysa walang hirap na makuha mo ito.



OP#4 Resume
Pebrero 20, 2018


Laguatan, Marcus Bryan S.
Blk 24 Lot 17 Heart Foundation I
Santol, Tanza, Cavite
E-mail: marcusbryanlaguatan12@gmail.com

EDUKASYON
Institusyon Tinapos Petsa
Saint Augustine School – Senior High School Science, Technology, Engineering and Mathematics Pangkasalukuyan
Rosario National High School Sekondarya Marso 2016
Santol Elementary School Elementarya Marso 2012

MGA LAYUNIN SA BUHAY
Naisasawa ng maayos ang aking mga responsibilidad at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Naisasabuhay nang maayos ang mabuting pag uugali sa kaibigan, pamilya, kapwa estudyante.

MGA KARANGALANG NATAMO
Ikalawang Karangalan (Baitang 1)
Kampyon sa CAT (Citizenship Advancement Training) 2016



OP#5 Application Letter
Pebrero 20, 2018

Blk 24 Lot 17 Heart Foundaton I
Santol, Tanza, Cavite
Ika-23 ng Setyembre 2023

G. UVUVWEVWEVWE ONYETENYEVWE UBWEMUHWEM OSAS
Manager
Zephyr Company
Rosario, Cavite

Mahal na Ginoong Osas:
Pagbati!
Ako po si Marcus Laguatan na nag tapos ng Bachelor of Science in Civil Engineering sa Harvard University taong 2022. Nais kop o sanag mag aplay bilang isang Civil Engineer o anumang posisyong nauukol sa aking kurso sa inyong kumpanya.
Sa kasalukuyan, ako po ay nakapisan sa aking ina na nakatira sa Blk 24 Lot 17 Heart Foundation I, Santol, Tanza, Cavite.
Maraming Salamat pos a inyong pagtugon.

Lubos na sumasainyo,

G. MARCUS LAGUATAN



OP#6 Liham Pasasalamat
Marso 2, 2018

Blk 24 Lot 17 Heart Foundaton I
Santol, Tanza, Cavite
Ika-3 ng Nobyembre 2023

G. UVUVWEVWEVWE ONYETENYEVWE UBWEMUHWEM OSAS
Manager
Zephyr Company
Rosario, Cavite

Mahal na Ginoong Osas:

Pagbati!
Ako po si Marcus Laguatan na nag aplay sa inyong kumpanya na lubos na nagpapasalamat sa inyong pag tanggap sa akin bilang Civil Engieer ng inyong kumpanya. Ibabalik ko sa inyo ang aking utang na loob dahil sa inyong pag tanggap. Ako po ay magiging matiyaga at responsible sa maiaatas na trabaho.

Maraming Salamat po!

Lubos na sumasainyo,

G. MARCUS LAGUATAN

Mga Komento