KEVYN

Kevyn Carl S. Quijano                              Journal Bilang 1                                    Nobyembre 29, 2017
12 - STEM 3                                                                                                         
Bakit mahlagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng pagsulat partikular ng mga akademikong sulatin?

“Diwa ng Akademikong Pagsulat”
     Ang akademikong pagsulat ay isang gawain na ginagamitan ng wastong sistema at proseso upang ang mga nakasaad sa akademikong pagsulat ay tama at sang-ayon. Ang pagsulat na ito ay sumasaliksik at tumutukoy sa problema o pangyayari na kasalukuyang nangyayari. Ang paraan ng pagsulat na ito ay pormal at hindi ginagamit ang mga salitang balbal.

     Maraming mga alinsunod ang ginagawa ng mga manunulat ng akademikong pagsulat, isa na dito ang paglalagay ng pagkilala sa mga ginamitang sanggunian upang maiwasan ang tinatawag na “plagiarism” o pangongopya ng impormasyon ng ibang manunulat. Itong pagsulat na ito ay madalas o laging may mensahe gustong ihatid kaya ito ay mahalaga sa pag-unlad.

     Ang akademikong pagsulat ay marami nang naitulong sa ating mga tao, nag-paunlad ng ating sari-sariling bansa, nakapag-diskubre ng mga bagong bagay at karanasan at iba't-ibang mga bagay na nakatulong sa ating buhay.
                       

Kevyn Carl S. Quijano          
12 - STEM 3
Nobyembre 29, 2017

Sulatin Bilang 1


Abstrak
Pamagat ng Paksa: Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas
Mananaliksik: Graziel Ann Ruth Latiza
Institusyon: Unibersidad ng Pilipinas
Mahahalagang impormasyon ng Pag-aaral: Ang parte kung saan hindi sinusunod ng mga doktor ang kanilang etika upang sila ay magka-pera at ang presentasyon ng mga doktor sa libro at palabas.
Kahalagahan ng Pag-aaral: Ipinapakita na madalas sa mga libro at palabas ay ang mga doktor na walang etika at tumatangging gamutin ang mga pasyente hangga't hindi sila nag-babayad.


Pagkakaiba ng Dalawang Abstrak na Nagmula sa Libro at sa Pangkat na Nag-ulat

     Ang unang abstrak sa libro ay tungkol sa mga imahe ng mga doktor sa sulatin at palabas sa telebisyon. Ipinapakita na madalas ang mga doktor hindi sumusunod sa kanilang etika upang kumita lamang. Ang pangalawang abstrak naman ay patungkol sa pagpapatupad ng K - 12 na programa sa Pilipinas.

     Ang unang abstrak ay naghahayag ng tungkol sa sitwasyon ng etika sa mga tao ngayon katulad ng mga sa doktor na inuuna ang sariling kapakanan kaysa tumutulong sa mga batas na gustong ibigay ng gobyerno. Mas naiintindihan ng sino mong mambabasa ng abstrak tungkol sa K - 12 dahil ito ay nag-bibigay ng tama at maayos na impormasyon.







Kevyn Carl S. Quijano
12 - STEM 3
Disyembre 05, 2017

Sulatin Bilang 2

Pangalan: Kevyn Carl S. Quijano
Kapanganakan: Mayo 29, 1999      Edad: 18 taong gulang    Kasarian: Lalaki
Magulang
Ina: Maricris S. Quijano
Ama: Jonathan B. Quijano
Tirahan: Bliss Daang Amaya Tanza, Cavite
Antas ng Edukasyon sa Kasalukuyan (Grado at Pangalan ng Paaralan): Baitang 12 - STEM 3, Saint Augustine Senior High School
Mga Asignaturang Kinawiwilihan: Matematika, Siyensiya
Mga Kinahihiligang Gawain: Paglalaro ng Basketbol, Pag-eehersisyo, Pag-bibisikleta
Mga Natatanging Kasanayan: Pisikal na mahusay, Matalino
Pinapangarap na Propesyon: Inhinyerong Sibil / Civil Engineer







Kevyn Carl S. Quijano
12 - STEM 3 
Disyembre 06, 2017

Sulatin Bilang 3

     Ang talumpati ay isang paraan kung saan nakakapagbigay mensahe sa mga tagapamanuod na tumutungkol sa kasalukuyang issue na nangyayari sa mundo. Mahalaga sa pagsulat ng talumpati ang umiwas sa paglihis ng impormasyon o sulat sa paksang napili upang gawan ng talumpati, siguraduhing din na tama at maayos ang mga sinulat batay sa paksa ng talumpati. Importante ang mga tagapakinig sa talumpati dahil sila ang mag-sasabi kung maganda at nakapag-pukaw ng damdamin ang iyong ginawang talumpati. Sa talumpating aling nakita ay isa tong isinaulong talumpati dahil pinaghandaan ito ng mananalita upang maramdaman ng mga tagapakinig ang gustong ihatid ng mananalita.




Kevyn Carl S. Quijano                                                                             Nobyembre 21, 2017 12 - STEM III
OP#1 - Pagsulat

     Ang pagsulat ay madalas isinasagawa ng mga mag-aaral upang mag-mensahe o impormasyon sa mga mambabasa upang sila ay matuto at mabigyan kaalaman. Ang pagsulat ay laging mayroong paksa o temang sinusunod at lahat ng datos ay may kinalaman sa nasabing paksa o tema, ito ang direksyon at konsepto sa sulating isinasagawa ng mag-aaral

Ang mga paksa o tema ay madalas tungkol sa mga bagay o nangyayari na kasalukuyang nangyayari. Problema sa gobyerno, sa kapaligiran at klima ang mga halimbawa ng mga paksa o temang ginagamit ng mga mag-aaral. Mayroong sitwasyon ding isa o maraming tanong ang na sa akademikong pagsulat na sasagutin ng may-akda upang magbigay ng bagong impormasyon o datos na puwedeng gamitin ng ibang mag-aaral. Ang paksang ginamit ng may-akda ang magtutukoy kung ang mambabasa ba ay mawiwili o malilibang sa akademikong pagsulat ng may-akda. Importante din ang tamang pag-gamit ng salita at gramatika dahil ang akademikong pagsulat ay isang pormal na uri ng pagsulat


Tunay na mahalaga ang isang paksa sa isang akademikong pagsulat dahil dito umiikot ang sulating ginawa ng may-akda at nagsasaad kung anf sulatin ay may saysay ito.






Kevyn Carl S. Quijano                                                                             Nobyembre 28, 2017

12 - STEM III
OP#2 - Abstrak


          Karanasan ng isang Batang Ina: Isang Pananaliksik



Ang pananaliksik ng aking nakuha ay tungkol sa mga batang babaeng edad 13-18 na maagang nabuntis o nagluwal ng kanilang anak. Sa pananaliksik na ito ay gusto nitong malaman ang sitwayson ng mga batang ina kung ano ang naging karanasan nila ayon sa anim na salik: Emosyonal, Espiritual, Mental, Pinansyal, Relasyonal, at Sosyal. Ang pananaliksik ay kumuha ng 35 na respondente ng mga babaeng edad 13-18 na maagang nabuntis sa Brgy. Sta. Rosa. Alaminos, Laguna sa kadahilanang marami ang mga babaeng maagang nabuntis. Ang mga resulta ay mas marami ang mga babaeng nasa sekundaryang antas o high school ang nabuntis kaysa sa mga babaeng nasa kolehiyo o elementarya. Sunod ay mas maraming mga nabuntis na babae sa edad na labing walo, at siyamnapu't isang porsyento ang mga tumigil sa kanilang pag-aaral ng sila ay mabuntis.



Kevyn Carl S. Quijano                                                                             Nobyembre 29, 2017
12 - STEM III
OP#3 - Sekwensyal


                              Titser Annie 


Una: 
     Sa unang parte ng palabas na Titser Annie ng I-witness, ipinakita ang mga dinadaanan ni titser Annie upang makarating sa mga lugar ng mga Mangyan. Sila ay nadaan sa mga gubat at tumatawid sa labing-anim na ilog upang makarating sa liblib na lugar.

Pangalawa:
     Inihayag ang naging kwento kung paano nangyari ang sitwayson ni titser Annie. Dating nagtuturo sa pribadong eskwelahan at komportable sa kanyang buhay at trabaho, ngunit ang DepEd ay nag desisyon na siya ay ipadala sa lugar ng mga Mangyan upang magturo

Pangatlo:
     Ikinuwento at ipinakita naman kung paano turuan ni titser Annie ang mga Mangyan simula sa mga matatanda na gustong mag-aral upang maibahagi ang mga kaalamang makukuha nila sa kanilang nga anak. Ipinakita din kung paano tinuruan ni titser Annie ang mga batang Mangyan.

Pangapat: 
     Dito na ikinuwento ang istorya ni Dina kung saan siya ang anak ng isang may sakit babae, yumao naman ang kanyang tatay at napilitang tumayo bilang ama at ina sa kanyang mga kapatid habang nag-aaral. Ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang sila ay mamuhay.

Panglima:

     Sinabi na dito na nagkaroon ng pagkakataon na makabalik si titser Annie sa dati niyang buhay dahil siya ay pinayagan na lumipat na ng eskwelahan ngunit mas pinili niyang manatili sa mga Mangyan.




Kevyn Carl S. Quijano                                                                               Disyembre 04, 2017
12 - STEM III
OP#4 - Sintesis (Sekwensyal)


         Kasaysayan ng Paaralang San Agustin


Panguna:
     Ang Saint Augustine School of Tanza ay itinaguyod noong Pebrero 14, 1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo na pari ng bayan ng Tanza noong panahong iyon. Ang SAS ang unang pribadong at katalikong paaralan sa bayan ng Tanza, Cavite.

Pangalawa: 
     Ang paaralan na ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng De La Salle at naging natagumpay ang unang taon ng Saint Augustine School at napakita ang sinseridad ng kanilang layunin.

Pangatlo: 
     Pagkatapos ng isang taon ay nagtayo sila ng building para sa primarya sa kaliwang puwesto ng simbahan. Sa taong 1971 naman ay itinayo ang building para sa mga estudyante sa hayskul na natapos ng taong 1972.

Pangapat:

     Ang unang punong guro ay si Sr. Angeles Gabutina AR., na natili ng dalawang buwan. Sumunod si Sr. Clemencia Ranin, tapos siya pinalitan ni Sr. Matilde at si Sr. Ma. Leonora ang punong guro ng elementarya. Noong 1975 ay nagretiro si Monsignor Domingo bilang pari at school director na pinalitan ni Fr. Luciano Pangilinan. Sa ngayon ay si Mercedita Pacumio ang punong guro at si Fr. Alain Manalo ang school director.




Kevyn Carl S. Quijano                                                                               Disyembre 05, 2017
12 - STEM III
OP#5 - Bionote

     Si Kevyn Carl S. Quijano ay nagmula sa bayan ng Tanza, Cavite. Siya ay ipinanganak noong ika-29 ng Mayo sa taong 1999. Ang kanyang ina ay si Maricris S. Quijano at ang ama naman ay si Jonathan B. Quijano. Siya ay naninirahan sa Bliss Daang Amaya Tanza, Cavite at kasulukuyang isang Grade 12 na estudyante ng STEM Track sa paaralang Saint Augustine Senior High School. Ang kanyang kinahihiligang asignatura ay Matematika at Siyensya at siya ay mahilig mag laro ng basketball at computer games. Siya ay nangangarap na makapagtapos ng pag aaral bliang isang civil engineer.




Kevyn Carl S. Quijano                                                                               Disyembre 05, 2017
12 - STEM III
OP#6 - Talumpati


                         Natatanging Lakas



Bawat isa sa atin ay mayroong pinagkukuhanan ng lakas, inspirasyon kung tawagin. Itong mga ito ang nag-uudyok sa atin na gawin at magtagumpaysa isang bagay o gawain, at ang madalas sabihin ng mga kabataan ngayon na ang kanilang mga inspirayon ay ang kanilang iniibig na kasintahan. Ngunit para sa akin ang tunay na inspirasyon ay ang aking pamilya at kaibigan. Kung hindi dahil sa aking pamilya ay wala ako dito sa harap ninyo at kung wala ang aking mga kaibigan, ay walang magbibigay ng tulong na aking kinailangan. 



Kevyn Carl S. Quijano                                                                                      Enero 15, 2018
12 - STEM III
OP#7 - Editorial Cartoon

     Itong isyu na ito ay tungkol sa estado nang pagtatrabaho ng mga manggagawa at ang kanilang pinaghihiligan. Ipinapakita dito na hindi maganda ang pagtrato ng kanilang amo ang mga manggagawa dahol sa maliit na pagbibigay ng sweldo sa kanilang na dapat nga ay ang manggagawa ang nakatatanggap ng malaking sweldo para sa kanilang paghihirap.


     Para sa akin ay dapat bigyan ng tamang pagtrato ng mga amo ang kanilang mga manggagawa dahil sila naman ang naghirap upang umandar at lumaki ang kabuhayan ng mga employer. Dapat mabigyan pansin ang pagtitiis ng mga empleyado upang mabuhay lamang ang kani-kanilang pamilya. At dahil sa kanilang dedikasyon at tiyaga, dapat ay sila'y mabiyayaan.




4th Quarter
Kevyn Carl S. Quijano                                                                                      Enero 26, 2018
12 - STEM III
OP#1


        Isang Natatanging Karanasan ng isang mag-aaral


Bilang isang mag-aaral, marami na akong napaglakbayan at naranasang mga bagay sa iba't ibang mga paaralan na aking natuntungan. Maraming mga masaya at malungkot na sandali at ang pinakanakapagpabago ng aking buhay ay ang panahong nakilala ko ang aking mga tunay na kaibigan noong 3rd year high school ako.

Noong ako ay nasa antas pa lamang ng primarya ay mayroon na akong katuwang sa lahat ng gawain sa eskwelahan, ang aking kababatang project pinsan. Sa lahat ng bagay at gawain ay lagi kaming magkasama, sa paglalaro, pagsusulat ng mga gawain sa eskwelahan at iba pa. Siya ang matuturing kong "best friend" sa kadahilanang lagi kaming magtuwang sa lahat ng bagay. Ngunit lumipas ang panahon ay nagkalayo kami at hindi na ako nagkaroon ng katulad niyang kaibigan simula noon, pero noong dumating ang 3rd year high school ay nahanap ko aking mga tunay na kaibigan.


Lahat tayong mag-aaral ay may layuning makatapos ng pag-aaral at makakuha ng magandang trabaho, handa gawin ang lahat para makamtan ito. Dapat lamang na mag-aral tayo ng mabuti, ngunit may isang paraan kung paano mas magiging madali ang buhay nating mga mag-aaral at iyon ay ang paghahanap ng mga tunay mong kaibigan at tutulong sayo na makamit ang iyong mga pangarap sa buhay.




Kevyn Carl S. Quijano                                                                                   Pebrero 04, 2018
12 - STEM III
OP#2 - Lakbay Sanaysay


                     Karanasan sa Okada 


Itong litrato na ito ay kinuha nang ako at ang aking pamilya ay pumunta "Okada", at ang itong lakbay na aming ginawa ay nakapagbigay samin ng magandang karanasan. Itong araw na ito ay nakatapat sa kaarawan ng aking kapatid.


Noong araw na iyon ay pumunta muna kami sa Noel's Bazaar at SM Mall of Asia upang ipagdiwang ang kaarawan ng aking kapatid. Naisipan naman aking mga magulang na pumunta sa Okada, kaya naman kami ay pumunta sakay ng isang "Montero Sport" na sasakyan. Pagasok namin ay nakita naming talagang pang-sosyal ang gawa sa imprastraktura ng Okada at maraming mga mayayamang tao doon. Ibang klase din ang "Casino" ng Okada. Pumunta kami sa dancing fountain at talaga namang ubod ng ganda nito. Kaya masasabi talaga na magandang pumunta sa Okada.




Kevyn Carl S. Quijano                                                                                   Pebrero 04, 2018
12 - STEM III
OP#3 - Pictorial Essay


            Swimming kasama ang Pamilya


Sa mga litrato, ito ay nagsasaad ng aming karanasan na mag-swimmi ng kasama ang aking buong pamilya. Sa unang litrato ay ipinapakita ako, aking mga magulang at kapatid sa lugar na aming pinuntahan. Sumunod naman ay nadagdagan ng iba naming kamag anak na pumunta rin, tapos sa sunod ay ipinapakita ang buong pamilya magkakasama handa nang mag-swimming. Sa huling litrato naman ay ipinapakita kaming mga lalaki na nakasuot na ng pang-swimming.


Itong naging karanasan ko kasama ang aking pamilya at kamag-anak ay isa sa mga hindo ko malilimutan at laging pangangalagaan dahil ito ay nagbigay sakin ng ligaya hindi lamang dahil kami ay nakapag-swimming, kundi dahil na rin nakasama ko ang aking buong pamilya sa karanasang ito.





Kevyn Carl S. Quijano                                                                                   Pebrero 20, 2018
12 - STEM III
OP#4 - Resume


Kevyn Carl S. Quijano
Bliss Daang Amaya 2
Tanza, Cavite
Email: kevyncarl@gmail.com

EDUKASYON
Institusyon
Tinapos
Petsa
Adamson University
Bachelor of Science in Civil Engineering
Marso 2023
Saint Augustine School
Sekundarya
Marso 2018
Holy Nazarene Christian School
Elementarya
Marso 2012

PROPESYONALISMONG KARANASAN
Institusyon
Posisyon
Petsa
Mcdonalds Food Corp. Tanza, Cavite
Cashier and Crew
2020-2023

MGA LAYUNIN SA BUHAY


  •         Nagagawa ng tama at mabuti ang aking mga obligasyon
  •          Makipagsalimuha ng maayos sa aking mga katrabaho

MGA KARANGALANG NATAMO
Huwarang Mag-aaral ng Civil Engineering·       
Bronze Awardee 2017


 SANGGUNIAN

Mr. Roy C. Aribal
Guro
Our Lady of the Holy Rosary School
Tanza, Cavite

Ms. Lorraine P. Bunag
Guro
Saint Augustine Senior High School
Tanza, Cavite

          Ang mga impormasyong nakatala sa itaas ay pawang may katotohanan.




KEVYN CARL S. QUIJANO





Kevyn Carl S. Quijano                                                                                   Pebrero 20, 2018
12 - STEM III
OP#5 - Liham Aplikasyon


Bliss Daang Amaya
    Tanza, Cavite
Ika-2 ng Hunyo 2022

G. FERNANDO BERSAMINA
CEO
Bersamina Co. Works
Kalaw, Manila

Mahal na Ginoong Bersamina:

            Magandang Araw!

          Ako po si Kevyn Carl S. Quijano at ako po ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Civil Engineering sa Adamson University ng taong 2017. Ninanais ko po n asana ay makapag-aplay ng trabaho sa inyong butuhing kagawaran bilang isang civil engineer o anumang posisyon na naayon sa aking natapos na kurso sa kolehiyo.

          Ako po ay naging isang working student kaya naman kayo ay makakasiguro na handa ako sa lahat ng mga responsibilidad at mga gawain mabibigay ninyo sa akin.

          Ngayon po ay kasalukuyan akong naninirahan sa tahanan ng aking mga magulang sa Bliss Daang Amaya Tanza, Cavite.

          Lubos na pasasalamat pos a inyong pagtugon.

        Lubos na sumasainyo,



G. KEVYN CARL S. QUIJANO    





Kevyn Carl S. Quijano                                                                                   Marso 02, 2018
12 - STEM III
OP#5 - Liham Pasasalamat

Bliss Daang Amaya
    Tanza, Cavite
Ika-2 ng Hunyo 2022

G. FERNANDO BERSAMINA
CEO
Bersamina Co. Works
Kalaw, Manila

Mahal na Ginoong Bersamina:

            Magandang Araw!

            Ako po ay lubos na nagpapasalamt sa pagtanggap ninyo sa akin sa inyong butihin tanggapan. Handan na po akong gawin lahat ng aking makakaya upang makatulong sa inyong kompanya.

                Muli, lubos po akong nagpapasalamat sa inyong butihing looban.

      Lubos na sumasainyo,


G. KEVYN CARL S. QUIJANO
  



PETSA: Marso 6, 2018
PARA SA: MGA DADALO NG SENIORS BALL
RE: BUWANANG PULONG
MULA KAY: PANGKAT 7-STEM 3


          Ipinapaalam sa lahat ng dadalo sa darating na Seniors Ball ay inaanyayahang dumalo sa pagpupulong na gaganapin sa ika-6 ng Marso, 2018 sa ganap na 4:30 ng hapon hanggang 5:30 ng hapon sa silid-aralan ng paaralang San Agustin-SHS.

AGENDA:

  1. Pagrerehistro sa lahat ng dadalo.
  2. Pagsisisimula
  • panalangin
  • pambungad na pagbati
      3. Pagtaatalakay sa programang gaganapin
  • Pagpapaliwanag ng programa
  • Paghingi ng  opinyon
  • Pag-aanaisa ng mga impormasyon
  • Pinal na desisyon
      4. Pagwawakas





Panukalang Proyektong Pngnegosyo:         Ihaw-Ihaw at Sago’t Gulaman
Proponent ng Proyekto:        Sheben Alcantara
                                                Myca Aquilesca
                                                Sheila Clamosa
                                                Marcus Laguatan
                                                Jett Manalo
                                                Kevyn Quijano
                                                Grade 12- Students
                                                Saint Augustine School – Senior High
                                                Daang Amaya 3, Tanza, Cavite

Kategorya ng Proyekto:       Pangkabuhayan sa bakasyon mula Abril hanggang Mayo
Rasonal ng Proyekto:           
           Ang buwan ng Marso hanggang Mayo ang pinakamatagal na bakasyon ng mga tao (karamihan ang mga esudyante) kasabay nang init na mararanasan. Mamalagi man sa mga sari-sariling tahanan o pumunta sa iba’t ibang lugar, may mga pagkain pa rin na pumupukaw at tumatakam sa ating mga kalamnan. Isa na dito ang ihaw-ihaw na kahit saan may mapagbibilhan kasabay ng sago’t gulaman na sasagot sa ating pagkauhaw.
       Ang pagnenegosyo ng mga estudyante tuwing bakasyon ay higit na makakatulong upang makapag-ipon ng pangtustos sa mga kakailanganin sa susunod na pasukan. Ito ang nagiging daan upang matutong tumayo sa sariling paa na hindi laging inaasa sa mga magulang at pagiging responsableng anak at isang estudyante.
Deskripsiyon ng Proyekto:
            Ihaw-ihaw na masarap at sago’t gulaman para sa lalamunang nauuhaw.
            Narito ang mga hakbang upang maisagawa ang Ihaw-ihaw at Sago’t Gulaman:
1.     Mga Sangkap:

·       Dugo ng baboy
·       Taba ng baboy
·       Atay ng baboy
·       Liempo
·       Paa ng manok
·       Ulo ng manok
·       Bituka ng manok
·       Bato ng manok
·       Hotdog
·       Toyo
·       Suka
·       Mantika
·       Paminta
·       Ketchup
·       Kalamansi
·       Asukal
·       Sibuyas
·       Bawang
·       Asin
·       Sago
·       Gulaman
·       Sago’t Gulaman juice powder
·       Tubig
2. Hugasan ng mabuti ang mga lamang loob (kung maaari pakuluan muna ito sa tubig upang masiguradong malilinis ito ng maayos).
3. Lutuin ng sandali ang dugo, bituka, taba, ulo, atay at bato ng hiwa-hiwalay.
4. Ilagay ang lutong lamang loob sa barbeque stick batay sa kung ano ito pati na rin ang hotdog maliban lang sa liempo ng baboy.
5. Gumawa ng sawsawan na nahahati sa maanghang at hindi.
6. Itimpla ang Sago’t Gulaman Juice powder sa tamang dami ng tubig at ilagay ang sago pati na rin ang gulaman na hiniwa ng maliliit na pakahon.
Badyet na Kinakailangang Puhunan (sa PHP)
Ihawan
 1 500
Ketchup
50
Straw
100
Barbeque Stick
100
Tupperware na lagayan ng mga iihawin
800
Plastik labo
100
Uling
500
Lagayan ng Sago’t Gulaman
300
Plastik na baso
200
Yelo
100
Kabuoang Halaga
PHP 3 750

Pagpapalagay:
  • Ipagpalagay na 60 araw magtitinda ng ihaw-ihaw at sago’t gulaman.
  • Ang halaga ng ihaw-ihaw ay:

·       Dugo – PHP 5.00
·       Isaw – PHP 3.00
·       Taba – PHP 7.00
·       Paa – PHP 3.00
·       Ulo – PHP 10.00
·       Atay – PHP 7.00
·       Bato – PHP 7.00
·       Liempo – PHP 20.00
·       Hotdog – PHP 10.00
Ang halaga ng sago’t gulaman ay PHP 6.00.
  • Nakabebenta ka ng 50 pirasong ihaw-ihaw at 25 na sago’t gulaman bawat araw.
  • Sa isang araw ay may kita ka na PHP 550.00 (50 piraso ng ihaw-ihaw × 8 average price ng ihaw-ihaw) + (25 piraso ng sago’t gulaman × 6 pesos).
  • Samakatuwid ang kinita mo sa 60 na araw ay PHP 33 000 (60 na araw × 550 na kita kada araw).
  • Ipagpalagay mo na aalisin ang PHP 4 000 sa PHP 33 000 ꞊ PHP 29 000.
Ang kinita mo sa iyong pagtitinda ay PHP 29 000.
  

Mga Komento