JETT
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
12 - STEM 3
Journal Bilang 1
Nobyembre 17, 2017
Bakit mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng pagsulat partikular ng akademikong sulatin?
"Ang kahalagahan ng Akademikong Pagsulat"
"Ang kahalagahan ng Akademikong Pagsulat"
Ang akademikong pagsulat ay ginagamit sa mga paaralan na kinakailangan ng mahusay at nagbibigay ng makabuluhang impormasyon sa bawat sulatin.
Mahalagang matutunan ang tamang pagsusulat sapagkat dito masusukat ang husay mo sa pag gawa ng sulatin. Ang akademikong pagsulat ay may layunin at may malinaw na ideya sa bawat mensahe. Nakasalalay ang iyong sulatin sa pakikinig at pagbabasa ng isang indibidwal. Mahigpit dapat sa pag gamit ng tamang bantas at baybay sa salita dahil dito makikita at mas maiintindihan ang ideya ng iyong sulatin.
Sa bawat sulatin ay nangangailangan ng layunin, tamang pag gamit ng bantas at baybay na salita, at intrudoksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag at wakas na nilalaman ng resolusiyon. Sa pamamagitan nito makakagawa ng isang maganda at maayos na akedemikong sulatin.

12- STEM 3
Sulatin Bilang 1
Nobyembre 27, 2017
Abstrak
Pamagat ng Paksa: Internship: Kwentong Loob ng Tagalabas
Mananaliksik: Graziel Ann Ruth Latiza
Institusyon: Unibersidad ng Pilipinas
Mahahalagang Impormasyon ng Pag-aaral:
Sa pamamagitan ng sulating ito nakita ang totoong nagaganap sa mga ospital dito sa Pilipinas. Ang katiwalian at mga maling pamamalakad nito.
Kahalagahan ng Pag-aaral:
Dito pinapahayag na dapat ay binibigyang pansin ang mga taong mahirap at nangangailangan ng tulong at ang hindi pag sunod ng mga doktor sa etika.
Pagkakaiba ng Dalawang Abstrak na Nagmula sa Libro at sa Pangkat na Nag-ulat
Ang unang abstrak ay tungkol sa mga doktor na hindi sumusunod sa mga etika at pinag sasa walang bahala ang mga mahihirap. Samantalang ang pangalawang abstrak naman ay nakatuon sa programang K-12 at ang hangarin nito sa bansa at sa mga mag-aaral.
Ang dalawang abstrak ay magkaiba ang istilo na ginamit, ang unang abstrak na nag mula sa libro ay impormatibong abstrak at ang isa naman ay deskriptibong abstrak.
Mas naiintindihan ko ang abstrak na tungkol sa K-12 dahil buo ang impormasyon na ginamit dito, kahit na may impormasyon naman na ibinigay ang na unang abstrak, diretso ang detalye ng abstrak ng K-12 kumpara sa nauna.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 1
Nobyembre 21, 2017
Ang pagsulat o kalatas ay isa sa mga paraas ng pagsasabi ng hinanaing, karanasan, o kwento base sa kanyang interes. Bakit nga ba naimbento ang pagsulat?
Pagsulat, dito nakapaloob ang mga emosyon at gustong ipahayag ng isang manunulat. Na ikot sa isang sulatin sa mga gustong ipahayag ng isang manunulat, ideya at opinyon nito sa isang paksa. Pero dito ay nakasalangalang ang mga bagay o impormasyon na kinuhanan mo at kung totoo ang mga bagay na ipinahahayag ng manunulat. Ang mga impormasyon na nakalap ng manunulat ay dapat panindigan ang mga nakalagay dito. Dahil madaming tao ang maaaring makabasa dito. Dahil madaming tao ang maaaring makabasa ng ginawa mo sa sulat, nararapat dapat na totoo at maayos ang mga nakalagay sa iyong sulatin dahil maaari itong pag kukunan ng impormasyon at mga sagot sa mga kasagutan at katanungan nila.
Maayos at organisado dapat ang mga pagsulat para sa mga mambabasa. Upang maging kasaya-saya ang pagbasa nito. Hindi lang puro impormasyon dapat ang nakalagay dito dapat ay may konting halimbawa din na ilalagay para mas maintindihan ito ng mambabasa.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 2
Nobyembre 28, 2017
Masamang Epekto na Naidudulot ng Polusyon ng Ingay: Isang Pagsusuri
Tinututukan sa pag-aaral na ito ang masamang epekto na naidudulot ng polusyon ng dahil isa ito sa mga bagay na kadalasan ay binabalewalz ng marami sa atin. Mga pinagmulan at kung paano ito mapupuksa. Tayong mga Pilipino hindi natin pinapansin ang polusyon na ito sa pagkat nasanay na tayo sa ingay ng mga sasakyan, hayop, industriya, tao at ilan pang bahagi ng lipunan na may kapasidad gumawa ng matindi at napalakas na ingay.
Ang epekto ng polusyon ng ingay hindi biro, bagamat hindi natin ito binibigyang pansin ito at nagdadala pa rin ng masamang at malalang mga sakit tulad ng sakit sa puso dahil may dalang "stress" pag ang isang tao ay matagal na nakalantad sa ingay. Pangalawa ay ang pagkabingi, pangatlo ang problema sa pag tulog sumunod ang kawalan ng konsentrasyon at huli ay ang epekto sa kalusugan ng bata sa sinapupunan.
Hindi lang tao ang nahihirapan dahil sa polusyon ng ingay kundi ang mga hayop din. May mga hakbang para mabawasan ang polusyon ng ingay sa isang lugar. Una ay hanapin ang pinaka pinag mulan ng ingay at humingi ng tulong sa pinakamausay na tauhan ng inyong barangay. Pangalawa ay ang pag gamit ng tela o kabinet na maaaring ipwesto sa inyong pader para maging insulator. Pangatlo ay ang paghina ng "volume" sa mga tugtog at ang huli ay umiwas na lamang sa maiingay na lugar.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 3
Nobyembre 29, 2017
Titser Annie
Labing anim na ilong, matatarik nadaan, mababatong bundok at mga liblib na daan ang araw-araw na tinatahak ni Titser Annie para makdating sa lugar ng sityo labo kung saan nakatira ang mga mangyar na kanyang tinuturuan, Mahigit isang oras ng naglalakad si titser annie at di niya padin natatanaw ang bayan ng sityo labo, lumipas ang isang oras ulit na paglalakad natanaw na nila ang baryo. Sumalubong kay titser annie ang mga matatamis na ngiti at mahihigpit na yakap ng mga batang mangyan na kanyang tinuturan. Dalawang taon na nagtuturo si titser annie sa mga mangyan, dalawa silang titser sa paaralan na iyon at ang isa at si titser Kristel. Sa tagal na pagtuturo nila titser annie at kristel, nakita nila sa mga bata ang biyaya ng pag bibigayan. Nagtuturo din si titser annie sa mga ,atatandang mangyan pag sapit ng gabi. Dahil sa mga ito nakuha ni titser annie ang loob ng mga mangyan kahit takot sila sa mga bagong salta habang nagtuturo din si titser sa kinder, meron siyang estudyante na Dina ang pangalan na bente anyos na nagulat siya ng biglang umalis ng klase si Dina. Ang dahilan pala ng kanyang pag alis ng klase ay dahil sa kanyang ina na dalawang taon ng may "pneumonia". Hindi sila makabili ng gamot dahil mahirap at malayo ang botika sakanila, nag tatrabaho si dina sa sagingan para may pambili ng gamot. Naghahatid si dina ng saging simula sa sagingan hanggang sa kamalig ng dalawang oras. 140 na saging ang kanyang dala na nagkakahalaga lamang ng 144 pesos. Pagkakuha ni dina ng pera agad siyang pumunta sa botika at bumili ng gamot. 2 antibiotics lang ang nabili niya sa perang pinaghirapan niya. Si titser annie at kristel ay binigyan ng oportunidad na magturo sa kapatagan ngunit tumanggi sila dahil gusto nila na ag iwan ng aral at inspirasyon sa mga mangyan. Mahirap man sa salapi, mayaman siya sa malasakit.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 4
Disyembre 05, 2017
Ang Kasaysayan ng Paaralan ng San Agustin
Edukasyon ang susi para sa magandang kinabukasan at ang paaralan ang daan para maibahagi ang mga aral na ito sa mga tao at ang paaralan ng San Agustin ay tinayo para mag hatid ng mga aral at mabuting asal sa mga kabataan.
Ang paaralan ng San Agustin Tanza ay ipinangalan sa patron na si San Agustin na kilala din bilang "Tata Usteng". Itinatag ito ika-14 pebrero 1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo at siya ang kura paroko ng panahong iyon. Ang paaralang San Agustin ay gustong maghatid ng kristyanong katolikong pagtuturo para sa kabataan. Pormal na nag bukas ang paaralan ng hunyo 1969 at nag alok ng "kinder" at ikaw unag baitang ng elementarya. Ang sistema ng pagtuturo ng SAS ay nasa ilalim ng De La Salle, at ang kahanga-hangang resulta ng una nitong taon sa mga tuntunin at visyon nito. Simula sa apat na putapat na estudyante at dalawang guro, ay tumaas ang bilang ng mga estudyante at guro. Makalipas ang isang taon ang primaryang "building" ang itinayo sa tabi ng simbahan. At nung 1971 isang "building" ulit ang itinayo para sa sekondaryang pag-aaral. Na tapos ito noong 1972, at nasundan ito ng "basketball court". Ang unang naging punong guro ay si Sr. Angeles Gabutina, AR. na ang serbisyo ng dalawang buwan, bago si Sr. Clemencia Ranin ang pumalit. Nanilbihan siya ng mahigit dalawang taon habang si Sr. Ma. Leonora ay nag seserbisyo bilang punong guro ng elementarya simula 1972-1973. Si Miss Patrocinio San Juan naman ang pumalit ng 1973-1976. Nung taong 1975 ay nag retiro na si Monsignor Francisco V. Domingo at si Meredita Pacumio ang punong guro simula 1989 hanggang ngayon
Mahaba pa ang tatahakin ng paaralang ito at hindi pa dito nagtatapos paglalakbay nito. Isa na dito ang "Senior Highschool" na itinayo noong 2015. Madami pang aral at mabuting asal pa ang ituturo ng paaralan ng San Agustin dahil lagi tayong gagabayan at sasamahan ng ating Panginoon at ni San Agustin.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 5
Disyembre 05, 2017
Bionote
Si Jett R. Manalo ay tubong Valenzuela, siya ay ng sekondarya sa Saint Augusting School at nag-aaral ngayon sa SAS-SHS. Siya ay aktibo sa mga aktibidad noong siya ay nasa sekondarya. Mga kompetisyon sa pag guhit, pag sayaw at pag lalaro ng "badminton". Siya ay nagtamo ng pangatlong medalya sa pag guhit, naging kampyon sa pag sayaw atkampyon din sa CADIPSAA sa larangan ng badminton ng apat na beses. Ngayong siya ay nasa Senior highschool na, siya ang tagapagtago ng yaman sa kanilang klasrum. Naging bahagi din siya ng "journalism club" bilang "cartoonist". Siya ay isang atleta sa larangan ng "badminton" hanggang ngayon.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 6
Disyembre 15, 2017
Masaya
Ang mga ngiti, hampas, at pag tawa
sa paningin ng karamihan ito ay maganda at masaya.
Ngunit di lahat ng ngiti ay galing sa puso
madalas ito ay pinepeke at dik totoo.
Kagaya ko, pinipilit na ngumiti kahit hindi na tama
para dina tumagal at para ito'y matapos na.
Iilan lang ang taong kilala ako ng lubos,
alam nila kung kaya ko pa o kung ang luha ko ay tuluyan ng aagos.
Sa totoo lang mababaw ang aking kaligayahan,
yung tipong kahit korny na biro ay aking tinatawanan.
Ngunit malambot at madali din akong masaktan.
Pero sa kabila ng lahat ng iyon, sa ngiti ko pa din ito dinadaan.
Madaling maging masaya, pero ang tanong, totoo ba?
lahat tayo ay may karapatan na maging masaya
yung galing sa puso at kaluluwa.
Dahil ito ang tama at ito ay mahalaga.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 7
Enero 15, 2018
Posisyong Papel
Madami ang nalilito sa tax reform bill, kung ano ang benepisyo ng batas ng ito. Ang tax reform bill ay ang pag gaan sa pag babayad ng buwis ngunit magtataas din ng buwis sa ilang mga produkto o serbisyo. Pero madami pa ding mga tanong sa isipan ng iilan tulad ng ano ba talaga ang intensyon nito at saan mapupunta ang mga nalilikom na buwis? Paanong nakakatiyak ang mga tao na kapag inaprubahan ang tax reform bill ay hindi magiging dagdag na pabigat sa kanilang bulsa ang mga bayarin sa mga pangunahing bilihin at serbisyo? Sa totoo lang, sang ayon ako sa tax reform bill, dahil kahot papaano ang buwis ay gagaan para sa atin kahit na tataas ang ilang produkto o serbisyo. Mahalagang malaman ng publiko ang tungkol o pakinabang ng tax reform bill sa ating mga buhay. Dahil sa pamamagitan nito madami ang sasangayon at makakapag handa sa mangyayari pag pinatupad na ang batas na ito.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 1
Enero 26, 2018

Sulatin Bilang 2
Disyembre 5, 2017
Pangalan: Jett R. Manalo
Kapanganakan: Oktubre 29, 1999 Edad: 18 Kasarian: Lalake
Magulang:
Ina: Emelita R. Manalo
Ama: Ysmael S. Manalo
Tirahan: Block 22 Lot 17 Landmass Park Subd. Biga, Tanza, Cavite
Anatas ng Edukasyon sa Kasalukuyan: Saint Augustine School - SHS Grade 12 - STEM 3
Mga Asignaturang Kinawiwilihan: Matematika at Contemporary Arts
Mga Kinahihiligang Gawin: Maglaro ng kompyuter
Mga Natatanging Kasanayan: Magaling mag guhit
Pinapangarap na Propesyon: Arkitektura

Sulatin Bilang 3
Disyembre 6, 2017
Talumpati
Ang talumpati ay isang uri ng pagsasalita na nagsasabi ng hinanaing, nangangatwiran o hindi kaya tinatalakay ang isang paksa o isyu. Mahalagang bigyang pansin ang impormasyon, ang tono ng boses at kung sa paano mo ito ipaparamdam sa mga makikinig ang isang talumpati. Isa din sa mahalagang parte ng isang talumpati ay ang mga makikinig. Dapat isaalang-alang ang iyong talumpati sa mga makikinig, dahil sila ang babahagian mo ng impormasyon at papakitaan mo ng husay mo sa pagsasalita.
Ang uri ng talumpati na ginamit sa bidyo ay isinaulong talumpati, dahil kita naman ang galing at ayos ng talumpati ng babae. Mapupukaw ng isang mananalumpati ang atensyon ng kanyang mga tagapakinig sa pamamagitan ng pagtaas ng tono ng boses at ang "hand gestures" niya habang nagsasalita.
Spoken Word Poetry
Ang spoken word poetry para sa akin ay pagkakabahagi ng emosyon at malikhain na pagsasabi ng kung ano man ang nasa isip ng taong iyon. Mahalaga sa pag tutula ay ang emosyon, tono, at ang detalye ng kanyang tula na hindi pasikot-sikot. Mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig sa iyong ginawang tula, dahil baka hindi angkop sa kanilang pagkatao o antas sa buhay ang ginawang tula.
Malakas makapukaw ng atensyon ang lakas ng boses, ang kagandahan ng tula at ang musika na tumutugtog habang ikaw ay nagsasalita.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 1
Nobyembre 21, 2017
Ang pagsulat o kalatas ay isa sa mga paraas ng pagsasabi ng hinanaing, karanasan, o kwento base sa kanyang interes. Bakit nga ba naimbento ang pagsulat?
Pagsulat, dito nakapaloob ang mga emosyon at gustong ipahayag ng isang manunulat. Na ikot sa isang sulatin sa mga gustong ipahayag ng isang manunulat, ideya at opinyon nito sa isang paksa. Pero dito ay nakasalangalang ang mga bagay o impormasyon na kinuhanan mo at kung totoo ang mga bagay na ipinahahayag ng manunulat. Ang mga impormasyon na nakalap ng manunulat ay dapat panindigan ang mga nakalagay dito. Dahil madaming tao ang maaaring makabasa dito. Dahil madaming tao ang maaaring makabasa ng ginawa mo sa sulat, nararapat dapat na totoo at maayos ang mga nakalagay sa iyong sulatin dahil maaari itong pag kukunan ng impormasyon at mga sagot sa mga kasagutan at katanungan nila.
Maayos at organisado dapat ang mga pagsulat para sa mga mambabasa. Upang maging kasaya-saya ang pagbasa nito. Hindi lang puro impormasyon dapat ang nakalagay dito dapat ay may konting halimbawa din na ilalagay para mas maintindihan ito ng mambabasa.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 2
Nobyembre 28, 2017
Masamang Epekto na Naidudulot ng Polusyon ng Ingay: Isang Pagsusuri
Tinututukan sa pag-aaral na ito ang masamang epekto na naidudulot ng polusyon ng dahil isa ito sa mga bagay na kadalasan ay binabalewalz ng marami sa atin. Mga pinagmulan at kung paano ito mapupuksa. Tayong mga Pilipino hindi natin pinapansin ang polusyon na ito sa pagkat nasanay na tayo sa ingay ng mga sasakyan, hayop, industriya, tao at ilan pang bahagi ng lipunan na may kapasidad gumawa ng matindi at napalakas na ingay.
Ang epekto ng polusyon ng ingay hindi biro, bagamat hindi natin ito binibigyang pansin ito at nagdadala pa rin ng masamang at malalang mga sakit tulad ng sakit sa puso dahil may dalang "stress" pag ang isang tao ay matagal na nakalantad sa ingay. Pangalawa ay ang pagkabingi, pangatlo ang problema sa pag tulog sumunod ang kawalan ng konsentrasyon at huli ay ang epekto sa kalusugan ng bata sa sinapupunan.
Hindi lang tao ang nahihirapan dahil sa polusyon ng ingay kundi ang mga hayop din. May mga hakbang para mabawasan ang polusyon ng ingay sa isang lugar. Una ay hanapin ang pinaka pinag mulan ng ingay at humingi ng tulong sa pinakamausay na tauhan ng inyong barangay. Pangalawa ay ang pag gamit ng tela o kabinet na maaaring ipwesto sa inyong pader para maging insulator. Pangatlo ay ang paghina ng "volume" sa mga tugtog at ang huli ay umiwas na lamang sa maiingay na lugar.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 3
Nobyembre 29, 2017
Titser Annie
Labing anim na ilong, matatarik nadaan, mababatong bundok at mga liblib na daan ang araw-araw na tinatahak ni Titser Annie para makdating sa lugar ng sityo labo kung saan nakatira ang mga mangyar na kanyang tinuturuan, Mahigit isang oras ng naglalakad si titser annie at di niya padin natatanaw ang bayan ng sityo labo, lumipas ang isang oras ulit na paglalakad natanaw na nila ang baryo. Sumalubong kay titser annie ang mga matatamis na ngiti at mahihigpit na yakap ng mga batang mangyan na kanyang tinuturan. Dalawang taon na nagtuturo si titser annie sa mga mangyan, dalawa silang titser sa paaralan na iyon at ang isa at si titser Kristel. Sa tagal na pagtuturo nila titser annie at kristel, nakita nila sa mga bata ang biyaya ng pag bibigayan. Nagtuturo din si titser annie sa mga ,atatandang mangyan pag sapit ng gabi. Dahil sa mga ito nakuha ni titser annie ang loob ng mga mangyan kahit takot sila sa mga bagong salta habang nagtuturo din si titser sa kinder, meron siyang estudyante na Dina ang pangalan na bente anyos na nagulat siya ng biglang umalis ng klase si Dina. Ang dahilan pala ng kanyang pag alis ng klase ay dahil sa kanyang ina na dalawang taon ng may "pneumonia". Hindi sila makabili ng gamot dahil mahirap at malayo ang botika sakanila, nag tatrabaho si dina sa sagingan para may pambili ng gamot. Naghahatid si dina ng saging simula sa sagingan hanggang sa kamalig ng dalawang oras. 140 na saging ang kanyang dala na nagkakahalaga lamang ng 144 pesos. Pagkakuha ni dina ng pera agad siyang pumunta sa botika at bumili ng gamot. 2 antibiotics lang ang nabili niya sa perang pinaghirapan niya. Si titser annie at kristel ay binigyan ng oportunidad na magturo sa kapatagan ngunit tumanggi sila dahil gusto nila na ag iwan ng aral at inspirasyon sa mga mangyan. Mahirap man sa salapi, mayaman siya sa malasakit.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 4
Disyembre 05, 2017
Ang Kasaysayan ng Paaralan ng San Agustin
Edukasyon ang susi para sa magandang kinabukasan at ang paaralan ang daan para maibahagi ang mga aral na ito sa mga tao at ang paaralan ng San Agustin ay tinayo para mag hatid ng mga aral at mabuting asal sa mga kabataan.
Ang paaralan ng San Agustin Tanza ay ipinangalan sa patron na si San Agustin na kilala din bilang "Tata Usteng". Itinatag ito ika-14 pebrero 1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo at siya ang kura paroko ng panahong iyon. Ang paaralang San Agustin ay gustong maghatid ng kristyanong katolikong pagtuturo para sa kabataan. Pormal na nag bukas ang paaralan ng hunyo 1969 at nag alok ng "kinder" at ikaw unag baitang ng elementarya. Ang sistema ng pagtuturo ng SAS ay nasa ilalim ng De La Salle, at ang kahanga-hangang resulta ng una nitong taon sa mga tuntunin at visyon nito. Simula sa apat na putapat na estudyante at dalawang guro, ay tumaas ang bilang ng mga estudyante at guro. Makalipas ang isang taon ang primaryang "building" ang itinayo sa tabi ng simbahan. At nung 1971 isang "building" ulit ang itinayo para sa sekondaryang pag-aaral. Na tapos ito noong 1972, at nasundan ito ng "basketball court". Ang unang naging punong guro ay si Sr. Angeles Gabutina, AR. na ang serbisyo ng dalawang buwan, bago si Sr. Clemencia Ranin ang pumalit. Nanilbihan siya ng mahigit dalawang taon habang si Sr. Ma. Leonora ay nag seserbisyo bilang punong guro ng elementarya simula 1972-1973. Si Miss Patrocinio San Juan naman ang pumalit ng 1973-1976. Nung taong 1975 ay nag retiro na si Monsignor Francisco V. Domingo at si Meredita Pacumio ang punong guro simula 1989 hanggang ngayon
Mahaba pa ang tatahakin ng paaralang ito at hindi pa dito nagtatapos paglalakbay nito. Isa na dito ang "Senior Highschool" na itinayo noong 2015. Madami pang aral at mabuting asal pa ang ituturo ng paaralan ng San Agustin dahil lagi tayong gagabayan at sasamahan ng ating Panginoon at ni San Agustin.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 5
Disyembre 05, 2017
Bionote
Si Jett R. Manalo ay tubong Valenzuela, siya ay ng sekondarya sa Saint Augusting School at nag-aaral ngayon sa SAS-SHS. Siya ay aktibo sa mga aktibidad noong siya ay nasa sekondarya. Mga kompetisyon sa pag guhit, pag sayaw at pag lalaro ng "badminton". Siya ay nagtamo ng pangatlong medalya sa pag guhit, naging kampyon sa pag sayaw atkampyon din sa CADIPSAA sa larangan ng badminton ng apat na beses. Ngayong siya ay nasa Senior highschool na, siya ang tagapagtago ng yaman sa kanilang klasrum. Naging bahagi din siya ng "journalism club" bilang "cartoonist". Siya ay isang atleta sa larangan ng "badminton" hanggang ngayon.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 6
Disyembre 15, 2017
Masaya
Ang mga ngiti, hampas, at pag tawa
sa paningin ng karamihan ito ay maganda at masaya.
Ngunit di lahat ng ngiti ay galing sa puso
madalas ito ay pinepeke at dik totoo.
Kagaya ko, pinipilit na ngumiti kahit hindi na tama
para dina tumagal at para ito'y matapos na.
Iilan lang ang taong kilala ako ng lubos,
alam nila kung kaya ko pa o kung ang luha ko ay tuluyan ng aagos.
Sa totoo lang mababaw ang aking kaligayahan,
yung tipong kahit korny na biro ay aking tinatawanan.
Ngunit malambot at madali din akong masaktan.
Pero sa kabila ng lahat ng iyon, sa ngiti ko pa din ito dinadaan.
Madaling maging masaya, pero ang tanong, totoo ba?
lahat tayo ay may karapatan na maging masaya
yung galing sa puso at kaluluwa.
Dahil ito ang tama at ito ay mahalaga.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 7
Enero 15, 2018
Posisyong Papel
Madami ang nalilito sa tax reform bill, kung ano ang benepisyo ng batas ng ito. Ang tax reform bill ay ang pag gaan sa pag babayad ng buwis ngunit magtataas din ng buwis sa ilang mga produkto o serbisyo. Pero madami pa ding mga tanong sa isipan ng iilan tulad ng ano ba talaga ang intensyon nito at saan mapupunta ang mga nalilikom na buwis? Paanong nakakatiyak ang mga tao na kapag inaprubahan ang tax reform bill ay hindi magiging dagdag na pabigat sa kanilang bulsa ang mga bayarin sa mga pangunahing bilihin at serbisyo? Sa totoo lang, sang ayon ako sa tax reform bill, dahil kahot papaano ang buwis ay gagaan para sa atin kahit na tataas ang ilang produkto o serbisyo. Mahalagang malaman ng publiko ang tungkol o pakinabang ng tax reform bill sa ating mga buhay. Dahil sa pamamagitan nito madami ang sasangayon at makakapag handa sa mangyayari pag pinatupad na ang batas na ito.
-Final Term-
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 1
Enero 26, 2018
Replektibong Sanaysay
(Kakatapos lang ng Midterm Exam)
Ang pagiging estudyante ay isang mabigat na misyon para sa isang bata. Narito ang mga sandamakmak na aktibidad, takdang araling at syempre ang mga pag-susulit. Naranasan mo na bang maging estudyante at maramdaman ang kaba at tuwa pag midterm exam na?
Pagsusulit, yan ang isa sa pinaka ayokong parte ng aking buhay estudyante. Magbabasa at magkakabisa sa iba't ibang asignatura ay nakakawalang gana pero sa pagsusulit dito binabatay ang mga natututunan at mga naiintindihan sa pag talakay na iyon. Nitong nakaraang linggo lamang ay kakatapos lang ng aming midterm exam. Ako'y labis na nag prepara at nag-aral para sa pag-susulit naming ito. Eto na, huling araw na ng pagsusulit sobrang sarap sa pakiramdam na tapos na ang midterm exam, parang natanggal na yung malaking tinik sa dibdib ko at malaya na ulit akong makapag pahinga ng maaga at makapag laro sa kompyuter. Ngunit di pa pala tapos ang kalbaryo, dahil ngayong linggo at sinasabi na ang mga resulta ng aming pagsusulit. Nagpapawis ang aking mga kamay at na gigiyang ng makita ang aking papel. Pasado! Pero ang ibang resulta sa ibang asignatura ay wala pa. Masaya at nakakatuwang isipin na nag-bunga ang aking paghihirap.
Mahirap man ang pagsusulit o ang mga bagay na kinakaharap natin ay dapat lang natin itong paghandaan para hindi tayo bumagsak o matalo. Ang pag-aaral ay isang kayamanan na binigay satin ng atung mga magulang. Dapat ay ginagawa natin ang lahat para makapasa at makakuha ng diploma.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 2
Pebrero 5, 2018
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 2
Pebrero 5, 2018
Lakbay Sanaysay
Magagandang tanawin, mga masisiglang hayop, at mga tapat at tunay na kaibigan ang aking kasama at naranasan sa pag punta namin ng Caleruega sa Tagaytay.
Labis na saya ang nadama ng aming tropa ay nabuo ulit. Mistulang paraiso ang bawat tanawin lalo na ang nararamdaman ko sapagkat kasama ko ang pangalawa kong pamilya. Halong init at lamig ang nadama nung sila ang ka-kwentuhan. Gusto namin na pa bagalin ang oras para tumagal pa ang aming pagsasama, dahil linggo o buwan nanaman ang lilipas bago nanaman kami makumpleto. Shing Shang Fu ang naging kasangga ko sa buhay, lahat kami ay kapatid na ang turingan. Ito ang tropang hindi kailanman mabubuwag!
Mahirap makahanap ng tunay na kaibigan dahil sa panahon ngayon madalas peke na yung iba. Kaya kung alam mo na totoo siyang kaibigan, ingatan na, wag na wag gagawa ng ikakasira ng pag kakaibigan ninyo. Saglit lang tayo dito sa mundong ibabaw, gawin na natin itong makabuluhan kasama ang tunay nating mga kaibigan.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 3
Pebrero 5, 2018
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 4
Pebrero 19, 2018
Jett Rayman Manalo
Block 22 Lot 17 Landmass Subd.
Biga, Tanza, Cavite
Email: manalo.jett@gmail.com
EDUKASYON
INSTITUSYON TINAPOS PETSA
Unibersidad ng Santo Tomas Bachelor of Science in Architecture 2020
Saint Augustine School Sekondarya Marso 2018
Saint Augustine School Elementarya Marso 2012
MGA LAYUNIN SA BUHAY
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 3
Pebrero 5, 2018
Pictorial Essay
Masasayang sanadali, biglaang gala kasama ang tropa! Ayun pagkakauwi sagad ang sermon ni inay. Naranasan mo na bang gumawa ng mali na ang katumbas naman ay saya at tuwa? Yung tipong alam mo na delikado pero sige lang kase sila naman ang kasama mo.
Pag gising ng alasais ng umaga sunod-sunod na ang "chat" sa "groupchat" naming tropa. Ang lamig ng tubig ay di iniinda, nagsiliguan kame at nagkita-kita sa may Mcdo. Nagsimula na ang aming paglalakbay patungong Batangas. Unang baba namin ay sa Puerto Azul, kaya bumaba kami at kumuha ng litrato.
Sunod na litrato ay ang pagkuha namin ng litrato sa may tulay dahil maganda ang paligid at wala halos nadaan na sasakyan. Tahimik at mga ibon at pag sipol ng hangin ang tangi naming naririnig.
Eto na! Nakarating na kame sa Batangas, sagad ang pagkuha ng litrato kasama ang magagandang tanawin at malinis na dagat. "Breath-taking" ang tanawin ika nga. Kahit sinong nilalang naman ay mapapa buntong hininga pag nakita mo ang tanawin sa Batangas. Labis kaming natuwa at napawi ang aming pagod at puyat ng makita namin ang ganda ng kalikasan.
Ang huli naming pinuntahan ay ang Kaybiang Tunnel na sikat na sikat sa mga nagba-bike at nag mo-motor. Mahaba at malaki ang tunnel kaya nag ingay o nag papaunahan ang mga motor dito. Harurot ang mga motor at sasakyan pag dadaan dito. Pero kami, bumaba kami at nag simulang takbuhin ang kaybiang tunnel na parang hinahabol kami ng pulis. Hindi mabilang ang tawa at harutan ng kami ay magkakasama. Dagdag pa ang magagandang tanawin.
Ang tunay na kaibigan ay hindi mapapantayan, iilan nalang ang taong totoo sayo at sasamahan ka sa hirap at KALOKOHAN!
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 4
Pebrero 19, 2018
Jett Rayman Manalo
Block 22 Lot 17 Landmass Subd.
Biga, Tanza, Cavite
Email: manalo.jett@gmail.com
EDUKASYON
INSTITUSYON TINAPOS PETSA
Unibersidad ng Santo Tomas Bachelor of Science in Architecture 2020
Saint Augustine School Sekondarya Marso 2018
Saint Augustine School Elementarya Marso 2012
MGA LAYUNIN SA BUHAY
- Maging tapat sa trabaho
- Laging handang tumulong sa mga problema.
MGA KARANGALANG NATAMO
- Kampyon sa CADIPSAA Badminton (2018)
- Ikatlong pwesto sa Poster making (2014)
MGA DINALUHANG PALIHAN
PAMAGAT ORGANISASYON PINAGDAUSAN TAON
Disaster Risk Reduction Saint Augustine School SAS - SHS Campus 2017
Management
MAK-BAN Geothermal Aboitiz Power Plant Laguna 2017
Power Plant Seminar
Power Plant Visit NGCP Laguna 2017
SAMAHANG KINABIBILANGAN:
- Finance Club (2017-2018)
- Journalism Club (2014-2015)
Sanggunian:
Mr. Dennis Reyes
Guro
Bachelor of Science in Biology
Cavite State University
Indang, Cavite
Numero: 09858374631
Ms. Genine Torres
Guro
Bachelor of Science Information Technology
De La Salle University
Dasmarinas, Cavite
Numero: 09742749359
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 5
Pebrero 19, 2018
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 6
Marso 02, 2018
G. RAYMAN MANALO
Manager
Jakems Company
Biga, Tanza, Cavite
Mahal na G. Manalo:
Pagbati!
Ako po si Jett R. Manalo ay nagpapasalamat sa inyong pagtanggap sa akin bilang arkitekto inyong kumpanya. Makakaasa po kayo na gagawin ko ang lahat ng iatas ninyong gawain sa akin.
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 5
Pebrero 19, 2018
Block 22 Lot 17 Landmass Subd.
Brgy. Biga, Tanza, Cavite
Ika-19 ng Pebrero 2018
G. RAYMAN MANALO
Manager
Jakems Company
Biga, Tanza, Cavite
Mahal na Gng. Manalo:
Pagbati!
Ako po si Jett R. Manalo na nagtapos ng Bachelor of Science in Architecture sa Unibersidad ng Santo Tomas taong 2015. Nais ko po sanang mag-aplay ng trabaho sa inyong mabuting tanggapan bilang arkitekto o anumang posisyong nauukol sa aking kurso.
Ang pagiging responsabile at mahusay na mag-aaral na hindi agad nagpapadala sa anumang pagsubok na haharapin ay aking sisiguraduhin na matatapos ko ito ng maayos para sa aking trabaho.
Sa kasalukuyan, ako ay nakatira sa bahay ng aking magulang sa Block 22 Lot 17 Landmass Subdivision Biga, Tanza, Cavite.
Maraming salamat po sa inyong pagtugon.
Lubos na Sumasainyo,
(Pirma)
Jett R.Manalo
Jett R. Manalo
12 - STEM 3
OP Bilang 6
Marso 02, 2018
Block 22 Lot 17 Landmass Subd.
Brgy. Biga, Tanza, Cavite
Ika-02 ng Marso 2018
Manager
Jakems Company
Biga, Tanza, Cavite
Mahal na G. Manalo:
Pagbati!
Ako po si Jett R. Manalo ay nagpapasalamat sa inyong pagtanggap sa akin bilang arkitekto inyong kumpanya. Makakaasa po kayo na gagawin ko ang lahat ng iatas ninyong gawain sa akin.
Lubos na nagpapasalamat,
(Pirma)
Jett R.Manalo
PETSA: Marso 6, 2018
PARA SA: MGA DADALO NG SENIORS BALL
RE: BUWANANG PULONG
MULA KAY: PANGKAT 7-STEM 3
Ipinapaalam sa lahat ng dadalo sa darating na Seniors Ball ay inaanyayahang dumalo sa pagpupulong na gaganapin sa ika-6 ng Marso, 2018 sa ganap na 4:30 ng hapon hanggang 5:30 ng hapon sa silid-aralan ng paaralang San Agustin-SHS.
AGENDA:
- Pagrerehistro sa lahat ng dadalo.
- Pagsisisimula
- panalangin
- pambungad na pagbati
3. Pagtaatalakay sa programang gaganapin
- Pagpapaliwanag ng programa
- Paghingi ng opinyon
- Pag-aanaisa ng mga impormasyon
- Pinal na desisyon
4. Pagwawakas
Panukalang Proyektong Pngnegosyo: Ihaw-Ihaw at Sago’t Gulaman
Proponent ng Proyekto: Sheben Alcantara
Myca Aquilesca
Sheila Clamosa
Marcus Laguatan
Jett Manalo
Kevyn Quijano
Grade 12- Students
Saint Augustine School – Senior High
Daang Amaya 3, Tanza, Cavite
Kategorya ng Proyekto: Pangkabuhayan sa bakasyon mula Abril hanggang Mayo
Rasonal ng Proyekto:
Ang buwan ng Marso hanggang Mayo ang pinakamatagal na bakasyon ng mga tao (karamihan ang mga esudyante) kasabay nang init na mararanasan. Mamalagi man sa mga sari-sariling tahanan o pumunta sa iba’t ibang lugar, may mga pagkain pa rin na pumupukaw at tumatakam sa ating mga kalamnan. Isa na dito ang ihaw-ihaw na kahit saan may mapagbibilhan kasabay ng sago’t gulaman na sasagot sa ating pagkauhaw.
Ang pagnenegosyo ng mga estudyante tuwing bakasyon ay higit na makakatulong upang makapag-ipon ng pangtustos sa mga kakailanganin sa susunod na pasukan. Ito ang nagiging daan upang matutong tumayo sa sariling paa na hindi laging inaasa sa mga magulang at pagiging responsableng anak at isang estudyante.
Deskripsiyon ng Proyekto:
Ihaw-ihaw na masarap at sago’t gulaman para sa lalamunang nauuhaw.
Narito ang mga hakbang upang maisagawa ang Ihaw-ihaw at Sago’t Gulaman:
- Mga Sangkap:
· Dugo ng baboy
· Taba ng baboy
· Atay ng baboy
· Liempo
· Paa ng manok
· Ulo ng manok
· Bituka ng manok
· Bato ng manok
· Hotdog
· Toyo
· Suka
· Mantika
· Paminta
· Ketchup
· Kalamansi
· Asukal
· Sibuyas
· Bawang
· Asin
· Sago
· Gulaman
· Sago’t Gulaman juice powder
· Tubig
2. Hugasan ng mabuti ang mga lamang loob (kung maaari pakuluan muna ito sa tubig upang masiguradong malilinis ito ng maayos).
3. Lutuin ng sandali ang dugo, bituka, taba, ulo, atay at bato ng hiwa-hiwalay.
4. Ilagay ang lutong lamang loob sa barbeque stick batay sa kung ano ito pati na rin ang hotdog maliban lang sa liempo ng baboy.
5. Gumawa ng sawsawan na nahahati sa maanghang at hindi.
6. Itimpla ang Sago’t Gulaman Juice powder sa tamang dami ng tubig at ilagay ang sago pati na rin ang gulaman na hiniwa ng maliliit na pakahon.
Badyet na Kinakailangang Puhunan (sa PHP)
| |
Ihawan
|
1 500
|
Ketchup
|
50
|
Straw
|
100
|
Barbeque Stick
|
100
|
Tupperware na lagayan ng mga iihawin
|
800
|
Plastik labo
|
100
|
Uling
|
500
|
Lagayan ng Sago’t Gulaman
|
300
|
Plastik na baso
|
200
|
Yelo
|
100
|
Kabuoang Halaga
|
PHP 3 750
|
Pagpapalagay:
- Ipagpalagay na 60 araw magtitinda ng ihaw-ihaw at sago’t gulaman.
- Ang halaga ng ihaw-ihaw ay:
· Dugo – PHP 5.00
· Isaw – PHP 3.00
· Taba – PHP 7.00
· Paa – PHP 3.00
· Ulo – PHP 10.00
· Atay – PHP 7.00
· Bato – PHP 7.00
· Liempo – PHP 20.00
· Hotdog – PHP 10.00
Ang halaga ng sago’t gulaman ay PHP 6.00.
- Nakabebenta ka ng 50 pirasong ihaw-ihaw at 25 na sago’t gulaman bawat araw.
- Sa isang araw ay may kita ka na PHP 550.00 (50 piraso ng ihaw-ihaw × 8 average price ng ihaw-ihaw) + (25 piraso ng sago’t gulaman × 6 pesos).
- Samakatuwid ang kinita mo sa 60 na araw ay PHP 33 000 (60 na araw × 550 na kita kada araw).
- Ipagpalagay mo na aalisin ang PHP 4 000 sa PHP 33 000 ꞊ PHP 29 000.
- Ang kinita mo sa iyong pagtitinda ay PHP 29 000.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento